Kaugnay ng pagdiriwang ng Ika-75 Anibersaryo ng Tagumpay ng mga Mamamayang Tsino sa War of Resistance Against Japanese Aggression at World Anti-Fascist War, sinimulang isahimpapawid mula Agosto 30 hanggang Setyembre 3, 2020, sa himpilan ng CCTV-3 ang espesyal na programang pinamagatang "Mga Bayani sa Poster," bilang paggunita sa nasabing okasyon.
Ang nasabing limang episode na programa ay inilunsad ng China Media Group (CMG).
Sa pamamagitan ng 10 poster ng mga namumukod na pelikulang Tsino hinggil sa Anti-Japanese War, ikinukuwento ng 75 panauhin ang mga karanasan ng mga mamamayang Tsino sa digmaan, sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Layon nitong ipa-ala-ala ang dakilang tagumpay ng mga mamamayang Tsino sa pangangalaga sa kasarinlan at kalayaan ng nasyon; pagtatanggol sa soberanya at dignidad ng bansa; bigyang-pugay ang mga martir; pahalagahan ang kapayapaan; at likhain ang masaganang kinabukasan.
Salin: Vera