|
||||||||
|
||
Ipinadala nitong Miyerkules, Setyembre 3, 2020 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang mensaheng pambati sa isa't-isa kaugnay ng ika-75 anibersaryo ng pagtatagumpay ng World Anti-Fascist War.
Sa mensahe, sinabi ni Xi na bilang kapwa pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council (UNSC), may mahalagang responsibilidad ang Tsina at Rusya sa usaping pangkapayapaan at pangkaunlaran ng daigdig.
Sa paggunita sa ika-75 anibersaryo ng pagtatagumpay ng World Anti-Fascist War, nakahanda aniya siyang magsikap kasama ni Putin para magkasamang pamunuan ang pagpapalalim ng komprehensibo't estratehikong pagtutulungang Sino-Ruso; buong tatag na ipagtanggol kasama ng komunidad ng daigdig, ang bunga ng tagumpay ng WWII at pagkakapantay-pantay at katarungang pandaigdig; aktibong pangalagaan at ipatupad ang multilateralismo; at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.
Ang mga ito ay tungo sa pagtatamasa ng mga susunod na henerasyon ng pangmatagalang kapayapaan, unibersal na kaligtasan, at komong kasaganaan, diin ni Xi.
Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Putin na ang WWII ay pinakamalaking tradehiya sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Nakahanda aniya ang panig Ruso na patuloy na magsikap kasama ng panig Tsino upang pigilan ang digmaan at sagupaan, at pangalagaan ang katatagan at kaligtasang pandaigdig.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |