|
||||||||
|
||
Ang paghihigpit ng Kagawaran ng Estado ng Amerika sa normal na trabaho ng mga diplomata ng embahada at mga konsuladang Tsino sa Amerika ay malubhang lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, nakakasira ng relasyong Sino-Amerikano at normal na bilateral na pagpapalitan ng dalawang panig.
Ipinahayag ito Setyembre 3, 2020, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na presscon sa Beijing.
Ayon sa statement na isinapubliko nitong Setyembre 2, 2020, ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, kailangang aprubahan muna ng nasabing tanggapan ang pagbisita ng mga diplomatang Tsino sa mga unibersidad ng Amerika, kung makikipagtagpo sila sa opisyal ng lokal na pamahalaan at kung magdadaos ang Embahada at mga konsuladang Tsino sa Amerika ng aktibidad na lalahukan ng mahigit 50 katao.
Ani Hua, hinihimok ng Tsina ang Amerika na agarang bawiin ang mga maling kapasiyahan, itigil ang paghadlang sa normal na pagpapalitan ng mga mamamayan ng Tsina at Amerika, at pagkasira sa relasyon ng dalawang bansa.
Isasagawa ng Tsina ang kinakailangang reaksyon ayon sa takbo ng kalagayan ng isyung ito, sinabi pa ni Hua.
Ipinahayag din ni Hua na ang relasyong Sino-Amerikano ay mahalaga sa kapuwa dalawang bansa at buong daigdig. Sinusuportahan ng Tsina ang normal na pagpapalitan ng iba't ibang sirkulo ng lipunan ng dalawang bansa.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |