|
||||||||
|
||
Walang intensyon ang Tsina na husgahan ang Amerika sa isyu ng paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pero, "di-maaaring magsinungaling ang mga numero."
Ito ang sinabi Setyembre 2, 2020, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Isinapubliko kamakailan ng US House Select Subcommittee on Coronavirus Crisis ang ulat ng White House na nagpapakitang iba-iba ang pampublikong balita mula sa pamahalaang Amerikano at iba –iba rin ang nilalaman ng naturang ulat.
Maliwanag na ikinukubli ng pamahalaan ng Amerika ang totoong kalagayan ng pandemiya.
Sa katotohanan, mahigit 58 libong mamamayang Amerikano ang namatay dahil sa COVID-19 sapul noong Hunyo 2020, at ang pandemiya ay patuloy na nagbabanta sa buhay ng milyun-milyong tao sa Amerika.
Tinukoy ni Hua na noong isagawa ng Tsina ang lockdown sa Wuhan noong Enero 23, 1 kumpirmadong kaso lang ang ibinalita ng opisyal na organo ng Amerika.
Sa ilang buwan pagkatapos ng putulin ng Tsina ang tsanel ng pagkalat ng COVID-19 sa daigdig, ang tanong ay, bakit naganap ang malaking saklaw na pagkakalat ng virus sa Amerika?
Ito'y paksang dapat pagtuunan ng malalim na pag-iisip.
Nalulungkot ang Tsina sa kalunus-lunos na kalagayan ng mga mamamamayang Amerikano, pero sa kabila nito, umaasa pa rin ang Tsinang magtatagumpay ang mga mamamayang Amerikano sa paglaban sa COVID-19 sa lalo madaling panahon, saad ni Hua.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |