|
||||||||
|
||
Nagsimula sa Beijing ngayong araw, Setyembre 4 at tatagal hanggang Setyembre 9, ang 2020 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS), kapuwa sa online at offline platform.
Ito ang unang mahalagang international offline activity sa larangan ng kabuhaya't kalakalan na itinaguyod ng Tsina sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa salaysay ni Yang Jinbo, Pangalawang Alkalde ng Beijing, sa panahon ng kasalukuyang CIFTIS, idaraos ang pandaigdigang summit sa kalakalang panserbisyo, 4 na porum at mahigit 100 industry conferences at professional fora.
Sinabi naman ni Yan Ligang, Direktor ng Kawanihan ng Komersyo ng Beijing, na noong Setyembre 2, sinimulan ang pagpapalista ng mga nais bumisita sa perya. Bukod sa cloud visiting, maaaring direktang bumisita sa perya ang mga bisita, pagkaraang sumailalim sa pagsusuri ng health QR code.
Samantala, itinayo ng peryang ito ang espesyal na grupo ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya at paggarantiyang medikal, upang mapangalagaan ang seguridad ng kalusugang pampubliko sa panahon ng perya, dagdag ni Yan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |