|
||||||||
|
||
Ito ang sinabi, Setyembre 6, 2020, ni Ren Minghui, Asistente ng Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO).
Tinukoy ni Ren na pagkatapos pumutok ang COVID-19, agarang isinagawa ng Tsina ng pakikipagkooperasyon sa WHO at ibinahagi ang impormasyon sa daigdig.
Aktibong nakisanggot ang Tsina sa pansiyensiyang pananaliksik na pandaigdig sa paglaban at pagkontrol sa pandemiya, ipinagkaloob ang suporta sa ibang bansa at ibinahagi ang mahahalagang karanasan, aniya pa.
Sinabi niyang lubos nitong ipinakikita ang atityud ng responsableng malaking bansa.
Sa harap ng krisis ng pampublikong kalusugan ng buong mundo, walang bansa ang ligtas.
Dapat aniyang isakatuparan muna ang kaligtasan ng pampublikong kalusugan, upang sa ganoon ay maisakatuparan ang kaayusan ng lipunan, maisulong ang pag-unlad ng kabuhayan, at maasikaso ang kaligayahan ng mamamayan ng bawat bansa ng mundo.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |