Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gawaing preparatoryo ng 2020 CIFIT, handang handa na; mahigit 40 bansa't rehiyong kinabibilangan ng Pilipinas, lalahok

(GMT+08:00) 2020-09-07 16:06:50       CRI

Mula ika-8 hanggang ika-11 ng Setyembre, 2020, gaganapin sa Xiamen, Lalawigang Fujian ng Tsina ang 2020 China International Fair for Investment and Trade (CIFIT) at Belt and Road Investment Congress (BRIC).

Ang Pilipinas ay guest country of honor ng CIFIT sa kasalukuyang taon.

Sa news briefing nitong Linggo ng hapon, Setyembre 6, isinalaysay ni Lin Jian, Pangalawang Alkalde ng Xiamen, na ang tema ng kasalukuyang CIFIT ay "pagpapasigla ng kompiyansa sa pamumuhunan, pagpapasulong sa kooperasyong may win-win na result."

Halos 110,000 metro kuwadrado ang kabuuang sona ng eksibisyon sa kasalukuyang taon.

Bukod sa Pilipinas, kumpirmadong kalahok dito ang 42 bansa't rehiyong gaya ng Britanya, Alemanya, Hapon, Timog Korea at iba pa.

Saad ni Lin, sa panahon ng gaganping CIFIT, idaraos ang 2020 International Investment Forum at 9 na parallel forum.

Gaganapin din aniya ang halos 20 iba't ibang uri ng promosyon sa pamumuhunan.

Samantala, itataguyod ng CIFIT ang mga aktibidad na gaya ng pagtatanghal ng Maritime Silk Road, pandaigdigang porum sa kooperasyon sa Maritime Silk Road, at porum sa mataas na antas hinggil sa pag-unlad ng Belt and Road, upang ilatag ang mabisang plataporma sa pamumuhunan ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>