|
||||||||
|
||
Sa ika-8 pulong ng Central Committee for Financial and Economic Affairs sa Beijing, ipinagdiinan nitong Miyerkules, Setyembre 9, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kailangang magkaroon ng koordinadong pagsisikap upang mapasulong ang konstruksyon ng modernong sistemang panglohistika bilang suporta sa bagong kayarian ng kaunlaran.
Bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), siya rin ang puno ng nasabing komiteng pinansyal.
Diin ni Xi ang sistemang panglohistika ay may pundamental na papel sa pambansang kabuhayan.
Aniya, dapat gawing kritikal na misyong estratehiko ng bansa ang pagtatatag ng modernong sistemang panglohistika.
Nanawagan din si Xi para sa koordinadong pagpupunyagi, upang pasulungin ang pagtatatag ng hard at soft na impraestruktura ng modernong sistemang panglohistika, galugarin ang bagong teknolohiya at pormang pangnegosyo ng lohistika, kumpletuhin ang mga regulasyon at pamantayan ng industriya ng lohistika, at pasiglahin ang mga bahay-kalakal ng modernong lohistika na may kakayahang kompetetibo sa daigdig.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |