|
||||||||
|
||
Pitong marinong Pilipinong nagpositibo sa Coronavirus Disese 2019 (COVID-19) ang kasalukuyang ginagamot sa ospital ng Daishan County, lunsod ng Zhoushan, lalawigang Zhejiang sa dakong silangan ng Tsina.
Ito ang ipinahayag nitong Linggo, Setyembre 13, ng pamahalaan ng Daishan.
Ang nasabing pitong Pinoy ay mga tripulante ng Arsinoe, bapor ng Cyprus na dumadaong sa karagatang malapit sa Daishan para sa pagkukumpuni.
Ayon sa pahayag, noong Setyembre 9, ipinaalam ng adwana ng Zhoushan sa pamahalaan ng Daishan na ang naturang pitong Pilipino ang nagpositibo makaraang isailalim sa COVID-19 test.
Pagkatapos, pinagkalooban sila ng pandaigdigang makataong tulong at pinapasok sa Tsina para sa kuwarentina at panggagamot.
Samantala, ang nasabing bapor ay sumasailalim din sa kuwarentina sa isang takdang lugar.
Matatandaang nitong nagdaang Hulyo, tatlong iba pang tripulanteng Pinoy na kumpirmadong nahawahan ng COVID-19 ang ginamot sa mga ospital sa Lianyungang, lalawigang Jiangsu at Yantai, lalawigang Shandong, ayon sa pagkakasunod.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |