Ipinahayag Lunes, Setyembre 7, 2020, ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, na palagiang iginigiit ng Pilipinas ang nagsasariling patakarang panlabas at ang pagnanais na mas pahigpitin ang kooperasyon sa panig Tsino at ipagpatuloy ang mga proyektong pampamahalaan ng dalawang bansa.
Winika ito ni Sec. Dominguez sa kanyang video conference kay Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas. Umaasa aniya siyang matatamo ang mga bunga ng nabanggit na mga proyekto sa ilalim ng balangkas ng Build Build Build para makinabang ang mas maraming mamamayan ng dalawang bansa.
Bukod dito, pinasalamatan ni Dominguez ang pagtulong at pagsuporta ng panig Tsino sa Pilipinas sa pagpuksa ng epidemya ng COVID-19. Ipinahayag din niya ang paggalang sa karanasan ng panig Tsino sa paglaban sa epidemiyang ito at pagbangon ng kabuhayan pagkatapos ng epidemiya.
Ipinahayag naman ni Embahador Huang na dapat iwasan ng dalawang panig ang mga elementong nanggugulo sa kanilang mga kooperasyon. Ito aniya ay positibong signal para magkaroon ng kompiyansa ang mga bahay-kalakal ng Tsina at buong daigdig sa pamumuhunan at pagnenegosyo sa Pilipinas.
Ulat: Ernest
Pulido: Mac/Jade