Pinagtibay kamakailan ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN) ang resolusyon ng pagkakaisa at pagpapahigpit ng kooperasyon ng komunidad ng daigdig sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Hinggil dito, ipinahayag Setyembre 14, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagpapatibay ng resolusyon ay nagpakita muli ng paninindigan ng karamihan ng miyembro ng UN, at malawak na komong palagay ng komunidad ng daigdig, na ang pagkakaisa at kooperasyon ay tanging paraan upang magtagumpay sa paglaban sa virus, at ito ang komong kalaban ng buong sangkatauhan.
Hindi pabor ang ilang bansa, tulad ng Amerika, sa naturang resolusyon. Hinggil dito, ipinahayag ni Wang na ang Amerika ay nakakasira sa pagsisikap at pagkakaisa ng komunidad ng dagidig sa paglaban sa COVID-19, at hindi dapat ito magtatagumpay.
Umaasa ang Tsina na pahahalagahan ng Amerika ang boses ng komunidad ng daigdig, agarang iwasto ang mga kamalian, itigil ang unilateral na sangksyon nito na lumabag sa pandaigdig na batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, at suportahan ang komunidad ng daigdig sa pagkakaisa sa paglaban sa COVID-19.
Salin:Sarah