Ipinadala Setyembre 14, 2020, ang mesaheng pambati sa isa't isa nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Hereditary Prince of Liechtenstein Alois, bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Xi na nitong 70 taong nakalipas, mainam ang pag-unlad ng kooperasyon ng Tsina at Liechtenstein sa iba't ibang larangan.
Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at nakahandang magsikap, kasama ni Hereditary Prince Alois, upang gawin ang ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa bilang bagong pagsisimula, para magkasamang pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Liechtenstein, at patuloy na magdulot ng benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Alois na ang malalim na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Liechetenstein ay nagpakita ng pagkakaibigan ng dalawang panig, na naging napakahalaga sa kasalukuyang kalagayan kung saang maraming lumilitaw na mga ng hamon.
Salin:Sarah