|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipag-usap sa telepuno kay Faisal bin Farhan Al Saud, Ministrong Panlabas ng Saudi Arabia, ipinahayag nitong Huwebes, Setyembre 17, 2020 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang Tsina at Saudi Arabia ay nagtitiwalaang mabuting magkapatid at magkatuwang.
Ani Wang, nakahanda ang panig Tsino na sa pagkakataon ng ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, isasakatuparan ang isang serye ng narating na mahalagang pagkakasundo ng mga pangulo ng dalawang bansa para magkasamang makalikha ng mas magandang kinabukasan ng kanilang relasyon.
Ipinahayag naman ni Faisal na malalim ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Saudi Arabia at Tsina. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na palalim ang pragmatikong pakikipagkooperasyon sa panig Tsino upang mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa mga isyu ng Yemen, G20 Summit sa Riyadh, Palestina, seguridad sa rehiyong Gitnang Silangan, at iba pa.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |