|
||||||||
|
||
Bilang huling hinto ng kanyang biyahe sa Asya, sinaksihan kamakailan sa Beijing ni Mohammed bin Salman Al Saud, Crown Prince ng Saudi Arabia, ang pagkakalagda sa 35 kasunduang pangkooperasyon ng Tsina at Saudi Arabia na nagkakahalaga ng 28 bilyong dolyares. Naisakatuparan ng mga ito ang estratehikong pag-uugnayan ng inisyatiba ng "Belt and Road" at "Vision 2030" ng Saudi Arabia, bagay na nagpasok sa kooperasyon ng dalawang bansa sa bagong yugto.
Nitong ilang taong nakalipas, kapansin-pansing bunga ang natatamo ng pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Saudi Arabia. Ang mga ito ay hindi maihihiwalay sa pagpapahalaga ng mga lider ng dalawang bansa. Sa biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Saudi Arabia noong Enero ng 2016, malinaw na ipinahayag ni Haring Salman bin Abdulaziz Al Saud ng Saudi Arabia ang kanyang pagkatig sa "Belt and Road" Initiative. Nakahanda aniya ang Saudi Arabia na palalimin ang kooperasyon sa Tsina sa mga larangang tulad ng kalakalan, pamumuhunan, enerhiya, edukasyon, siyensiya't teknolohiya, at seguridad ng impormasyon. Sa kanya namang biyahe sa Tsina noong Marso ng 2017, ipinahayag ni Pangulong Xi ang pagkatig sa Saudi Arabia sa pagsasakatuparan ng "Vision 2030." Winiwelkam din aniya ng Tsina ang Saudi Arabia na maging partner sa magkakasamang pagtatayo ng "Belt and Road."
Sa pakikipagtagpo kay Crown Prince Mohammed bin Salman Al Saud nitong Biyernes, Pebrero 22, muling ipinagdiinan ni Xi na dapat palakasin ng Tsina at Saudi Arabia ang pagpapaunlad ng estratehikong koneksyon, palalimin ang pagsasama ng kapakanan, at pabilisin ang paglagda sa plano ng pag-uugnayan ng "Belt and Road" at "Vision 2030" para mapasulong ang walang humpay na pagtatamo ng bagong bunga ng bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |