Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai

(GMT+08:00) 2020-09-18 15:07:18       CRI

Ang taong 2020 ay balot ng ligalig at mga pagsubok bunsod ng pandemiya ng COVID-19. Apektado ang sektor ng edukasyon sa Tsina.

Kasabay ng patuloy na pagpapatupad ng mga mahigpit na hakbanging pangkalusugan, nitong Setyembre 1, nagbukas sa Shanghai, Tsina ang mga elementarya at mataas na paaralan ng bagong semestre. Sa ilalim ng new normal ang mga klase ay pinaghahalong online at face-to-face.

Sa panayam ng mga China Media Group Filipino Service, ibinahagi ng mga kintawan ng Pinoy Teachers Association in Shanghai (PITAS) ang kanilang mapanlikhang pamamaraan ng pagtuturo, at saloobin bilang guro sa Tsina sa gitna ng mga naranasan sa panahon ng pandemiya.

Pagtugon sa mga hamon ng COVID-19 pandemic

Ang biglaang paglipat mula face-to-face classes tungo sa online mode ay naging mahirap para sa mga guro ayon kay Domir "Domz" Borres, PITAS Chairman. Isang pagsubok para sa gurong may 17 taong karanasan, ang pag-adjust sa learning styles para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga mag-aaral. Napakahirap aniya pa ng pag-asikaso virtually sa students' behaviour. Si Domz ay nagtuturo sa International Department ng Jincai High School bilang Head ng Math Department.

Si Domz, kasama ang estudyante noong Teachers' Day

Dagdag ni Chabeli Jill Hilasque, PITAS External Vice Chair at kasalukuyang Academic Director sa FutureGrow Academy na kinailangan nilang maging innovative sa pagtuturo para makuha ang pokus ng lahat. Nakatulong talaga ang pagbabahagi aniya ng kapwa mga guro ng mga materyal upang paghandaan ang mga online classes na kumakain ng mas maraming oras kumpara sa preparasyon ng regular na klase.

Si Jill kasama ang estudyante noong Teachers' Day

Ani Ruben dela Rosa Jr., PITAS Program Coordinator, "Mas naging creative kami, mas maraming manipulative stuff na pinapakita sa mga bata para mas ma-visualize ng maayos, sign-up sa mga websites na may mga different resources para ma-share agad sa mga bata online." Si Ruben ay nagtatrabaho bilang Academy Program Director sa LUC Education Group.

Si Ruben (naka-kurbata) kasama ang iba pang mga guro sa Disney English noong 2018 

Sa diwa ng bayanihan sa panahon ng COVID-19, naging abala talaga ang PITAS sa pagtulong sa mga nangangailangan ng trabaho, pagbabahagi ng teaching resources at maging sa pagbibigay ng payong legal at impormasyon sa mga miyembrong nalagay sa alanganin.

Malalim ng pagpapahalaga ng Tsina sa mga guro

Si Jill ay 12 taon nang nagtatrabaho sa Shanghai. Samantalang higit walong taon naman si Ruben at tatlong taon naman si Domz.

Kumusta ang pagtuturo nila sa Tsina? "Fulfilling" kapwang sagot ng mga opisyal ng PITAS dahil tunay na pinahahalagahan ng Tsina ang papel na ginagampanan ng mga guro sa buhay ng mga estudyante. Masaya rin sila dahil sa magandang sahod at mga benepisyo.

Tuwing Setyembre 10 ipinagdiriwang ang Teachers' Day sa Tsina. Ang iba't ibang sektor ay nagpapahayag ng kani-kanilang pagpapahalalaga, paggalang at pagpupugay sa mga guro.

Para sa mga guro, ang pinakamakabuluhan ay ang mga DIY na regalo mula sa mga estudyante.

Mga regalo para kay Jill ng kaniyang mga estudyante

Mga estudyante na nagbigay ng regalo kay Domz noong Teachers Day

PITAS, ipagdiriwang ang unang anibersaryo; bibigyang pugay ang bukod-tanging mga guro

Sa pamamagitan ng mga aktibidad na nakatuon sa propesyunal at personal na pag-unlad, hangad ng PITAS na tulungan ang 399 na miyembro upang magkaroon ng matagumpay na teaching career sa Tsina.

Kasalukuyan tanging ang PITAS ang grupo ng mga guro na kinikilala ng Philippine Consulate General (PCG) sa Shanghai. Pormal na nanumpa at kinilala ng PCG-Shanghai ang mga opisyal ng PITAS noong Setyembre 22, 2019 at pagkatapos nito ay puspusang nagpunyagi at isinagawa ang mga aktibidad na tulad ng PITAS Talks, Spike for a Cause, Pitas Cares-Act of Kindness at PITAS-Outreach Program.

Panunumpa ng mga opisyal ng PITAS kasama si Consul General Wifredo Cuyugan at iba pang opisyal ng PCG-Shanghai

Sa Sabado, Setyembre 19, ipagdiriwang ng PITAS ang unang anibersaryo ng kanilang samahan. Magkakaroon ng masayang pagtitipon pagkatapos nilang sama-samang malampasan ang pinakamalubhang krisis pangkalukusan sa modernong panahon. Inaabangan ng lahat ang highlight ng party, ang pagbibigay gawad sa natatanging mga guro.

Ipinahayag nilang plano ng PITAS sa kanilang ikalawang taon ang pagbuo ng asosasyon sa Hubei. Itutuloy din ng grupo ang mga aktibidad upang higit pang maging propesyonal, kagalang-galang, magaling at epektibo ang mga Pilipinong nagtuturo sa Tsina.

Artikulo: Mac Ramos
Larawan: Jill/Domz/Ruben

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>