|
||||||||
|
||
Idinaos nitong Martes, Setyembre 22, 2020 ang virtual meeting ng mga Ministro ng Kalakalan at Pamumuhunan ng G20.
Ipinangako ng mga kalahok na patuloy na palakasin ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa aspekto ng pagbabawas ng epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at pasulungin ang pag-usbong ng kalakalan at pamumuhunang pandaigdig. Nagpahayag din sila ng suporta sa pagsasagawa ng kinakailangang reporma sa World Trade Organization (WTO).
Pinagtibay sa pulong ang "Deklarasyon ng Riyadh Tungkol sa Kinabukasan ng WTO," at ilan pang mga dokumento.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |