Ipininid Hunyo 9, 2019 ang Pulong ng mga Ministro ng Kalakalan at Digital Economy ng G20 sa Tsukuba, Ibaraki-ken ng Hapon. Pagkatapos ng pulong, inilabas ng mga kalahok ang pahayag na mahalagang-mahalaga sa pangangalaga ng malaya at makatarungang kapaligirang pangkalakalan. Anito, dapat pasulungin ng G20 ang reporma ng World Trade Organization (WTO).
Ayon sa pahayag, kailangang isagawa ang aksyon para mapalakas ang mekanismo ng paglutas ng mga hidwaan ng WTO. Dahil sa patutol ng Amerika, hindi naisama ang "paglaban sa proteksyonismo" sa pahayag, pero, ipinahiwatig sa pahayag ng tagapangulo ng pulong ang pagkabalisa tungkol sa alitang pangkalakalan.
Salin:Lele