Sa kanyang talumpati sa pangkalahatang debatehan ng Ika-75 Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) nitong Martes, Setyembre 22, 2020, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na patuloy na ibabahagi ng Tsina sa iba't ibang bansa ang karanasan sa paglaban sa pandemiya at paraan ng panggagamot, ipagkakaloob sa mga bansang may pangangailangan ang suporta at tulong, igagarantiya ang katatagan ng global supply chain kontra pandemiya, at aktibong sasali sa pandaigdigang siyentipikong pananaliksik sa paghahanap ng pinanggalingan ng virus at paraan ng pagkalat.
Saad ni Xi, maraming bakuna na likha ng Tsina ang nasa phase III clinical trial. Pagkaraang matapos ang pagdedebelop, gagamitin ang mga ito bilang pandaigdigang produktong pampubliko, at bibigyan ng priyoridad sa pagkakaloob ng mga bakuna ang mga umuunlad na bansa.
Tutuparin ng Tsina ang pangakong ipagkakaloob ang pandaigdigang saklolong nagkakahalaga ng 2 bilyong dolyares sa loob ng dalawang taon, palalalimin ang kooperasyong pandaigdig sa mga larangang gaya ng agrikultura, pagpawi sa kahirapan, edukasyon, kababaihan at kabataan, pagbabago ng klima at iba pa, at tutulungan ang iba't ibang bansa na panumbalikin ang pag-unlad ng kani-kanilang kabuhayan at lipunan, dagdag ng pangulong Tsino.
Salin: Vera