|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kamakailan ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa pamamagitan ng video link, dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa isang serye ng mga pulong sa mataas na antas hinggil sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng United Nations (UN), at bibigkas din siya ng talumpati.
Noong nagdaang 5 taon, dumalo si Xi sa serye ng summit sa ika-70 kaarawan ng UN.
Sa kanyang talumpati sa pangkalahatang debateha ng Pangkalahatang Asambleya ng UN, iniharap ni Xi ang plano ng Tsina ukol sa kinabukasan ng sangkatauhan, sa harap ng pabagu-bagong kayariang pandaigdig.
Diin ni Xi, ang kapayapaan, kaunlaran, katarungan, demokrasya at kalayaan ay komong pinahahalagahan ng buong sangkatauhan, kasama ang target ng UN.
Aniya, dapat manahin at palaganapin ng iba't ibang panig ang layunin at simulain ng Karta ng UN, buuin ang bagong relasyong pandaigdig kung saan ang nukleo ay kooperasyon at win-win situation, at itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Sa kanyang talumpati sa punong himpilan ng UN sa Geneva noong 2017, muling ipinagdiinan ni Xi na dapat itatag ng mga bansa ang relasyong may diyalogo't partnership, sa halip na komprontasyon at alyansa.
Dapat din aniyang igalang ng malalaking bansa ang nukleong interes at mahalagang pagkabahala ng isa't isa, kontrolin ang kontradiksyon at alitan, at buong sikap na buuin ang bagong relasyong na walang sagupaan at komprontasyon, at may paggagalangan, kooperasyon at win-win na resulta.
Kung igigiit ang pag-uugnayan at matapat na pakikipamuhayan, saka lamang maiiwasan ang "Thucydides Trap," saad ni Xi.
Sa kanya namang talumpati sa punong himpilan ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization o UNESCO sa Paris noong Marso ng 2014, binigyang-diin ni Xi ang kahalagahan ng pagpapalitan ng iba't ibang sibilisasyon.
Saad ni Xi, may mahigit 200 bansa't rehiyon at lampas sa 2,500 lahi sa buong mundo, at hindi maaring magkaroon ng isang daigdig na may iisang paraan ng pamumuhay, iisang lengguwahe, iisang musika at iisang kasuotan.
Aniya, dapat pasulungin ang paggagalangan at may-harmonyang pakikipamuhayan ng magkakaibang sibilisasyon, at gawing tulay tungo sa pagpapahigpit ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa, pagpapasulong sa progreso ng lipunan ng sangkatauhan, at pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig ang pagpapalitan at pag-aaral ng mga sibilisasyon ng isat-isa..
Ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ay isang magandang target sa ilalim ng hene-henrasyong pagsisikap.
Nakahanda ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig, na igiit ang diyalogo't pagsasanggunian, kooperasyon at win-win na resulta, pagpapalitan at pag-aaral sa isa't isa, at berde't mababang karbon na pag-unlad, at magkasamang pasulungin ang proseso ng pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |