|
||||||||
|
||
Isiniwalat nitong Miyerkules, Setyembre 23, 2020 ng Ministring Panlabas ng Hapon na nag-usap nang araw ring iyon sa telepono sina Thomas Bach, Tagapangulo ng International Olympic Committee (IOC), at Yoshihide Suga, bagong Punong Ministro ng Hapon.
Ipinangako ng kapuwa panig na magpupunyagi para sa pagtataguyod ng ligtas na Tokyo Olympic Games.
Ito ang kauna-unahang pakikipag-usap ni Suga kay Bach, sapul nang manungkulan siya bilang punong ministro noong Setyembre 16.
Saad ni Bach, ang Tokyo Olympic Games sa susunod na taon ay magsisilbing historikal na kaganapan, at magdudulot ng pag-asa sa mga mamamayang Hapones.
Samantala, inulit naman ni Suga ang determinasyon ng kanyang pamahalaan sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Aniya, itatakda ng pamahalaan ang katugong hakbangin sa pagpigil sa pandemiya, upang maigarantiya ang ligtas na pagdaraos ng olimpiyada.
Dadalaw sa Hapon si Bach sa katapusan ng Oktubre, upang direktang makipag-usap kay Suga.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |