Inilabas nitong Miyerkules, Setyembre 23, 2020 ng magasing "Nature" ng Britanya ang komentaryong nagsasabing nagpapatingkad ang Tsina ng masusing papel sa pagsasaayos sa biodiversity ng buong mundo, at karapat-dapat na matutunan ng daigdig ang mahalagang karanasan ng mga siyentipikong Tsino.
Tinukoy ng komentaryo na may ilampung taong karanasan ang Tsina sa aspekto ng pananaliksik sa kung paanong koordinahan ang pagkabalanse ng pag-unlad ng kabuhayan at pagkontrol sa kapinsalaan sa species at ekolohiya, at malaki ang ibinigay na tulong ng Tsina sa biodiversity ng mundo.
Itataguyod sa Setyembre 30 ng United Nations (UN) ang online biodiversity summit. Kinapanayam ng Nature ang mga kinatawan ng maraming bansa na dadalo sa pulong. Umaasa ang lahat ng mga kinatawan na sa pamamagitan ng Ika-15 Komperensya ng mga Partido ng Convention on Biological Diversity (CBD) na gaganapin sa Kunming, Lalawigang Yunnan ng Tsina sa susunod na taon, magbubuklud-buklod ang iba't ibang bansa, at isasa-isang-tabi ang alitang pulitikal, para marating ang kasunduan sa pagsasakatuparan ng bagong target ng biodiversity ng buong mundo.
Salin: Vera