Nay Pyi Taw, Myanmar—Nagbukas Miyerkules, Enero 31, 2018 ang Ika-2 Taunang Pulong ng Southeast Asia Biodiversity Research Institute ng Chinese Academy of Science (CAS-SEABRI), at Forest Research Institute ng Ministry of Natural Resources and Environmental Conservation ng Myanmar. Layon nitong ibayo pang pasulungin ang akademikong pagpapalitan at pagtutulungan hinggil sa pananaliksik at pangangalaga sa biodiversity ng dalawang bansa at Timog-silangang Aysa.
Sapul nang itatag ang SEABRI noong 2015, 300 bagong uri ng halaman, isda, gagamba, at hipon ang natuklasan ng mga mananaliksik mula sa Tsina at Myanmar.
Ang SEABRI na itinatag sa pagtataguyod ng CAS ay nakabase sa Forest Research Institute ng Myanmar sa Nay Pyi Taw. Nagsisilbi itong plataporma ng Tsina at Myanmar sa pananaliksik at pagdedebelop (R&D), at paghubog ng mga kabataang siyentista.
Salin: Jade
Pulido: Rhio