Hinihikayat ng Tsina ang pagpapahigpit ng pandaigdigang kooperasyon sa mga usaping pambabae.
Ito ang ibinida nitong Huwebes, Oktubre 1 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpating naka-video sa Pulong ng United Nations (UN) bilang Paggunita sa Ika-25 Anibersaryo ng Fourth World Conference on Women.
Ani Xi, suportado ng Tsina ang UN sa pagbibigay-priyoridad sa mga gawaing pangkababaihan; pagbubuhos ng mas maraming pondo sa pagpawi ng karahasan, diskriminasyon, at karalitaan laban sa kababaihan; at mabisang pagtugon sa mga bagong hamon na gaya ng gender digital divide.
Kinakatigan din ng Tsina ang pagpapataas ng representasyon ng mga babae sa iba't ibang ahensya ng UN, diin ng pangulong Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Rhio