Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, nanawagan ng komong pagpupunyagi ng komunidad ng daigdig para mapabilis ang proseso ng pag-ahon ng kahirapan

(GMT+08:00) 2020-10-13 15:40:08       CRI

Quanzhou, Lalawigang Fujian ng Tsina—Binuksan nitong Lunes, Oktubre 12, 2020 ang Pandaigdigang Simposyum hinggil sa Pagpawi sa Kahirapan at Responsibilidad ng mga Partidong Pulitikal.

Sa kanyang liham na pambati sa nasabing simposyum, tinukoy ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na ang pagpawi ng kahirapan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at pagsasakatuparan ng komong kasaganaan ay mahalagang misyon ng CPC.

Saad ni Xi, sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, ginawang mahalagang tungkulin ng pagsasakatuparan ng target ng partido ang pagpawi ng kahirapan. Aniya, may kompiyansa at kakayahan ang Tsina na komprehensibong mapawi ang kahirapan, at maagang isakatuparan ang target ng pag-ahon sa kahirapan ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN).

Diin ni Xi, sa kasalukuyan, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng iba't ibang panig, natamo ng pandaigdigang usapin ng pagpawi sa karalitaan ang malaking progreso, at nananatiling matindi pa rin ang mga kinakaharap na kahirapan at hamon. Aniya, kailangang kailangan ang komong pagpupunyagi ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng mga partidong pulitikal ng iba't ibang bansa at paggigiit sa multilateralismo, para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan, at mapabilis ang proseso ng pag-ahon sa karalitaan ng buong mundo.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>