Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, bumati sa araw ng pagsasarili ng Fiji

(GMT+08:00) 2020-10-10 16:05:49       CRI

Sabado, Oktubre 10, 2020, nagpadala ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Jioji Konusi Konrote ng Republika ng Fiji Islands, bilang pagbati sa ika-50 anibersaryo ng pagsasarili ng Fiji.

Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 50 taon, aktibong hinanap ng Fiji Islands ang landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayan ng sariling bansa, at isinakatuparan ang tuluy-tuloy na pag-unlad ng kabuhaya't lipunan.

Aniya, bilang kaibigan at partner, napapanatili ng Tsina at Fiji Islands ang pagtitiwalaang pulitikal sa mataas na antas, at kapansin-pansin ang natamong bunga ng pagpapalitan at pagtutulungan ng kapuwa panig sa iba't ibang larangan.

Saad ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Fiji. Nakahanda siyang magsikap, kasama ni Pangulong Konrote, upang mapalakas ang diyalogo, pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, mapasulong ang pagtamo ng komprehensibo't estratehikong partnership ng kapuwa panig ng bagong progreso, at maghatid ng mas maraming benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>