|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati nitong Sabado, Oktubre 17, 2020 kaugnay ng International Day for the Eradication of Poverty, nanawagan si Antonio Guterres, Direktor-Heneral ng United Nations (UN) sa komunidad ng daigdig na sa panahon at pagkatapos ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), dapat tulungan ang mahihirap na populasyon, at pagkalooban sila ng kinakailangang suporta.
Sinabi ni Guterres na para sa mga pinakamahirap na populasyon sa daigdig, ang pandemiya ng COVID-19 ay isang double crisis.
Ang mahihirap aniya ang may pinakamataas na panganib na mahawa sa corona virus, at pinakamaliit naman ang kanilang pagkakataong makakuha ng mabuting lunas.
Ayon aniya sa pinakahuling datos, sa taong ito, masasadlak ang mahigit 115 milyong populasyon sa karalitaan dahil sa pandemiya, at ito unang pagtaas ng bilang ng mahirap na populason sa buong mundo nitong ilampung taong nakalipas.
Ipinahayag pa niya na sa espesyal na panahong ito, kailangang magbigay ng napakalaking pagsisikap ang buong mundo para labanan ang karalitaan.
Sa harap ng pandemiya ng COVID-19, dapat isagawa ng iba't-ibang bansa ang malakas at kolektibong aksyon para mapa-ahon ang kabuhayan, dagdag pa niya.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |