|
||||||||
|
||
Pinagtibay kamakailan ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) ang resolusyon tungkol sa kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID19).
Sa kaukulang talumpating binigkas ng kinatawang Tsino, mahigpit niyang pinabulaanan ang walang batayang pagpuna ng kinatawang Amerikano laban sa Tsina.
Sinabi ng kinatawang Tsino na sa okasyon ng pananawagan ng UN para sa pagkakaisa laban sa pandemiya, muling inilabas ng kinatawang Amerikano ang mapanirang tinig na nagbabaligtad sa itim't puti, nagbabaling ng responsibilidad sa iba, at puspusang nagpapakalat ng "political virus."
Aniya, mariin itong tinututulan at ganap itong tinanggihan ng Tsina.
Nananawagan aniya ang panig Tsino sa mga kasapi ng UN na magkakasamang hilingin sa panig Amerikano na igalang ang katotohanan sa isyu ng pandemiya, igalang ang siyensiya, at totohanang bigyang-pansin ang buhay at kalusugan ng mga mamamayan nito sa halip ng pagpapakalat ng "political virus."
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |