Makaraang magkabisa nitong Linggo, Oktubre 18, 2020 ang makataong kasunduan ng pagtigil-putukan sa rehiyong Nagorno-Karabakh na narating ng Armenia at Azerbaijan, patuloy na inaakusahan ng dalawang panig ang isa't-isa sa paglabag sa kasunduan at paglunsad ng atake. Pinabulaanan din ng isat isa ang mga akusasyon tungkol sa paglabag sa kasunduan ng pagtigil-putukan.
Sinipi naman nang araw ring iyon ng Armenpress ang impormasyon mula sa departamentong militar ng Nagorno-Karabakh na nagsasabing sapul nang sumiklab ang bagong round ng sagupaan ng nasabing dalawang panig, 673 sundalo ng Nagorno-Karabakh ang nasawi.
Salin: Lito