|
||||||||
|
||
Sa pagpapatupad sa ika-13 panlimahang taong plano (2016-2020), ang panlahat na pag-unlad ng Tsina na gaya ng kabuhayan, at siyensiya't teknolohiya, ay pumapasok na sa bagong yugto. Kapasin-pansin dito ang mas mainam na estrukturang ekonomiko, modernisasyong rural, pagtugon sa karalitaan, pangangalaga sa kapaligiran, at pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas.
Bunga nito walang humpay na bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Ito ang winika ni Pangulong Xi Jinping sa isang pulong nitong Huwebes, Oktubre 22, 2020, bilang paglagom sa pag-unlad ng nakaraang limang taon.
Ipinahayag din ni Xi ang pagpapahalaga sa pagbabalangkas ng ika-14 na panlimahang taong pambansang plano (2021-2025).
Kabilang sa mga itatampok sa bagong plano ang pagpapawi ng karalitaan, pagkontrol sa polusyon, at ibayo pang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Kailangan ding linangin ang bagong modelo ng pag-unlad, kung saan ang pamilihang panloob ay nagsisilbing pangunahing lakas-panulak ng pag-unlad samantalang pinapasulong ang pag-uugnay at pagkakatigan ng isa't isa ng pamilihang panloob at mga pamilihang dayuhan, para maisakatuparan ang komong kaunlaran, diin ng pulong.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |