|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Huwebes, Setyembre 24, 2020 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paunang kondisyon ng mabisang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, bubuksan ng Tsina ang mas maraming fast lanes at green lanes para sa pagpapalitan ng mga tauhan at paninda.
Ayon sa ulat ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD) na inilabas noong Setyembre 22, tinayang bababa ng 4.3% ang kabuhayang pandaigdig, pero mananatili pa rin ang paglaki ng kabuhayang Tsino.
Sinabi ng opisyal ng UNCTAD na may malaking espasyong pampatakaran ang Tsina para maisakatuparan ang pagbangon ng kabuhayan ng sariling bansa. At nananalig na matatag na palalawakin ng Tsina ang sariling kabuhayan, at ipagkakaloob ang pagkakataon para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Kaugnay nito, tinukoy ni Wang na natamo ng Tsina ang mahalagang estratehikong bunga sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), matatag na bumubuti ang kabuhayan, napapanumbalik ang kaayusan ng produksyon at pamumuhay, at nagsilbi itong unang pangunahing ekonomiyang nagpanumbalik ng paglago ng kabuhayan, sapul nang sumiklab ang pandemiya.
Ang pagbangon ng kabuhayang Tsino ay magkakaloob ng lakas-panulak para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, dagdag niya.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |