|
||||||||
|
||
Si Mario Tani, Commercial Vice Consul Philippine Trade and Investment Center (PTIC)-Shanghai
Naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang maraming ekonomiya sa buong mundo. Dahil dito ang pagpapalakas ng bilateral na kolaborasyon at partnership ang naging isa sa mga estratehiya upang makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
Naniniwala si Mario Tani, Commercial Vice Consul Philippine Trade and Investment Center (PTIC)-Shanghai na ang paglahok ng Pilipinas sa Ikatlong China International Import Expo (CIIE) ay hakbang tungo sa direksyon ito.
"Mahalagang plataporma ang CIIE upang palakasin ang potensiyal sa pag-eexport sa Tsina ng mga pagkaing de-kalidad na makakatulong upang balansehin ang trade deficit sa gitna ng pandemic na malubhang nakaapekto sa supply and value chains,"aniya pa.
Gaganapin sa Shanghai ang Ikatlong CIIE mula Nobyembre 5 - 10, 2020.
Noong 2019, sa Ika-2 CIIE, umabot sa USD 430M ang business leads ng Pilipinas. Sa halagang ito, USD 162.24M ang export sales mula sa 32 food exhibitors.
Pahayag ni Vice Consul Tani, mataas ang pangangailangan ng Tsina sa mga prutas na mula sa Pilipinas at maging sa healthy food selections. Ngayong taon, nais ng Pilipinas na palawakin pa ang pagluluwas ng mga produkto sa Tsina sa pamamagitan ng mas malaking partisipasyon sa Ika-3 CIIE.
Healthy and natural ang pokus ng Food Philippines pavilion na may 40 exhibitors. Itatampok dito ang prutas at gulay tulad ng mangga, saging at niyog, at processed fruits at nuts na panghimagas. Mayroon ding seafood and marine products na maaaring isahog sa salads. Samantala, itatanghal din ang single-origin chocolates at iba pang healhty snacks na mula sa dried fruits, pickles at kabute.
Ayon kay Tani, gagamitin nila ang parehong on-site at online promotion sa Ika-CIIE. Sa kabila ng bagong participation format, tiwala ang DTI-CITEM at PTIC na maaabot o mahihigitan pa ang kanilang target dahil na rin sa mataas na sales results at interes ng mga buyers sa nakaraang paglahok.
Dagdag pa rito, nakatutok din ang PTIC sa mga trends sa Tsina katulad ng mas pagpapahalaga ng mga Tsino ngayon sa pagpili ng mas malusog na pagkain, mabilis na pag-unlad ng e-commerce at ang pagpapaluwag ng restriksyon sa mga inaangkat na produktong pagkain.
Ang paglahok ng Pilipinas sa Ika-3 CIIE saad ni Vice Consul Tani ay nagpapakitang malakas ang economic activity ng bansa. Sa kabila ng mga balakid na dulot ng pandemiya, ang mga Pilipino ay determinadong makabangon at mapagtagumpayan ang pandaigdigang krisis na pang-ekonomiya.
Ulat: Mac Ramos
Edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |