Sinabi nitong Lunes, Mayo 18, 2020 ni Wang Bingnan, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na mula Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 10 ng taong ito, idaraos sa Shanghai ang Ika-3 China International Import Expo (CIIE).
Sa kasalukuyan, lampas na sa lebel ng gayun ding panahon ng nagdaang taon ang saklaw ng mga nilagdaang eksibisyon.
Isinalaysay ni Wang na magkatulad sa kabuuan ang pangkalahatang balangkas ng CIIE sa kasalukuyang taon kumpara sa mga nagdaang CIIE, na kinabibilangan ng komprehensibong eksibisyon ng mga bansa, eksibisyong komersyal ng mga bahay-kalakal, at Hongqiao International Economic Forum.
Salin: Vera