|
||||||||
|
||
Nitong Sabado, Oktubre 21, 2020 ay World Cities Day (WCD).
Kaugnay nito, ipinahayag ni Antonio Guterres, Pangkalahatang kalihim ng United Nations (UN), na dapat ipakita at ipagmalaki ang mga nagawang kagila-gilalas na ambag ng mga pamayanan at kapitbahayan sa nakakababang yunit.
Kailangan din aniyang bigyan ng sentral na papel ng iba't-ibang bansa ang mga ito kaugnay ng pag-unlad ng kalunsuran.
Tinukoy niya na sa kasalukuyan, halos 55% populasyon sa buong daigdig ang naninirahan sa kalunsuran at hanggang taong 2050, tataas sa 68% ang proporsiyong ito.
Sinabi rin niya na sa harap ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), kumilos at ini-organisa ng mga kapitbahayan ang maraming hakbangin para sa kani-kanilang kaligtasan at paraan ng pamumuhay.
Samantala, mahigpit silang nakikipagtulungan sa pamahalaan at kumakatig sa pamahalaan sa pagsasagawa ng mga hakbang laban sa pandemiya, dagdag pa niya.
Noong taong 2013, pinagtibay sa Pangkalahatang Asemblea ng UN ang resolusyong nagtatakda sa Oktubre 31 ng bawat taon bilang WCD.
Ang tema ng WCD sa taong ito ay "Pagpapataas ng Kalidad ng Kapitbahayan at Kalunsuran."
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |