Fuzhou, lalawigang Fujian — Idinaos nitong Sabado, Oktubre 31, 2020 ng Ministri of Housing at Urban-Rural Development ng Tsina, pamahalaan ng lalawigang Fujian, at United Nations Human Settlements Programme ang Chinese home events para sa 2020 World Cities Day (WCD).
Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga opisyal, iskolar at eksperto, at mga kinatawan mula sa Tsina, Rusya, Alemanya at iba pang mga bansa't rehiyon para talakayin at ibahagi ang kani-kanilang karanasan sa aspekto ng pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad ng kalunsuran at pagpapabuti ng kapaligirang panirahan ng mga tao.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Jiang Wanrong, Pangalawang Ministro ng Housing at Urban-Rural Development ng Tsina, na sapul nang maitatag ang WCD, walang humpay na lumalawak ang impluwensiya nito sa buong daigdig, bagay na nakakapagpatingkad ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng mga lunsod sa daigdig, at pagpapasulong ng pagsasakatuparan ng "Agenda ng Sustenableng Pag-unlad sa 2030" at "Agenda ng Bagong Lunsod."
Nakahanda ang Tsina na patuloy na palalalimin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa iba't-ibang bansa sa larangan ng housing at urban-rural development, dagdag pa niya.
Salin: Lito