Sa komunikeng inilabas kamakailan sa Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista (CPC), 23 beses na mababasa ang salitang "mamamayan," bagay na nagpapakita ng ideya ng pangangasiwa ng CPC na ipinapauna ang mga mamamayan. Ito rin ay isang bagong katibayan kung bakit nangunguna ang support rate ng pamahalaang Tsino sa international polls nitong mga taong nakalipas.
Ginagawang pokus ng nasabing komunike ang walang humpay na pagbibigay-kasiyahan sa pangangailangan ng mga mamamayan sa mas magandang pamumuhay. Upang maisakatuparan ang hangaring ito, iniharap ng Mungkahi ng Ika-14 na Panlimahang-Taong Plano ang maraming mahalagang tungkuling kinabibilangan ng pagkakaloob ng mas sapat at de-kalidad na trabaho, pagpapataas ng kita ng mga mamamayan, malinaw na pagpapabuti ng estruktura ng pagbabahaginan, at iba pa, sa panahon ng Ika-14 Pamlimahang-Taong Plano.
Bukod dito, iniharap sa kauna-unahang pagkakataon, ng Ika-5 Sesyong Plenaryo na dapat maging pangmalayuang target ang "pagtatamo ng mas malaking substansiyal na progreso sa pagsasakatuparan ng komong kayamanan ng lahat ng mga mamamayan." Walang duda, ito ay ibayo pang makakapagpataas sa damdamin ng kaligayahan at kaligtasan ng mga mamamayan.
Ang walang humpay na pagbibigay-kasiyahan sa mga mamamayan sa magandang pamumuhay, ay pundamental na puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng Tsina.
Salin: Lito