Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] "Mini Mao" o musmos na bata?

(GMT+08:00) 2011-05-19 16:31:18       CRI

Sa kasalukuyan, dito sa Tsina, kung magtatanong kayo kung sino ang pinakakilalang bata, ang isasagot sa inyo ay hindi si Lin Miaoke, iyong magandang babae na umawit sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games, kundi si Huang Yibo, isang mag-aaral sa middle school sa Wuhan, at ito ay dahil sa kanyang mga aksyon na gumagaya sa mga opisiyal ng pamahalaan, nagbabasa ng People's Daily, opisiyal na pahayagan ng Partido Komunista ng Tsina, nanood lamang ng News Programa ng CCTV at interesado sa bagay na pulitikal.

Sa totoo lang, bilang isang bata, lagi niyang ginagaya ang akyon ng mga nasa hustong gulang at madaling naaapektuhan ng kapaligiran sa paligid nila. Bukod dito, sa mga News program ngayon, ang karamihan ng nilalaman ay ukol sa mga aksyon ng opisiyal ng pamahalaan.

Noong ika-8 at ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, ang ambisyon ng mga bata ay, pangunahin na, magiging siyentista, artista, manunulat at iba pa. pero ngayon, ang layunin ng pag-aaral ay madaling itituring kumita ng maraming pera o maging taong may kapangyarihan lamang. Dahil kung walang pera, mahirap na makapagtamasa ng ideyal na pamumuhay at kung may kapangyarihan, madaling mapasa paborableng kondisyon sa pagbabahaginan ng mas maraming yamang panlipunan. Madaling maintindihan kung bakit ang ang unang pagpili ng karamihan ng mga nagtapos sa pamantasan at kolehiyo ay magtrabaho sa pamahalaan, dahil tama lamang na kumita sa legal na paraan, magtamasa ng magandang buhay at maging opisiyal ng gobyerno.

Pero, hindi lamang yaman at opisyal angy nakakatulong sa pag-unlad ng lipunan; maging ang kultura, siyensiya at iba pang mga bagay na hindi naglalayong kumita ay gumaganap din ng katulad ng papel.

Kaya, ang mga magulang at guro ay dapat magsabalikat ng responsibilidad sa pagbibigay-tulong sa mga bata hinggil sa kung papaanong tamang pakikitunguhan ang mga isyung panlipunan. Hinding hindi dapat yumuko ang kampus sa mga negatibong epekto mula sa labas.

Sa aspektong ito, dapat ring isabalikat ng pamahalaan ang mas malaking responsibilidad at obligasyon sa pagpapatupad ng pagkakapantay-pantay sa pagbabahaginan ng bunga ng lipunan at pagsugpo sa negatibong epekto ng ilang isyung panlipunan sa paaralan. Dahil mas mahina ang puwersa ng mga indibiduwal at paaralan sa pagharap sa ilang malawak na isyung panlipunan.

Tulad ng sinasabi ni Premyer Wen Jiabao sa kanyang working report, na ang pangunahing gawain ng pamahalaang Tsino sa loob ng darating na 5 taon ay para maging mas masaya ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>