|
||||||||
|
||
Kahit isinagawa kamakailan ng panig militar ng Tsina at Estados Unidos (E.U.) ang malawak na pagpapalagayan sa larangang militar, nananatiling malayo pa ang dalawang panig sa pagtitiwalaan, pagkakaunawaan at paggalangan sa kani-kanilang nukleong interes.
Mula ika-16 hanggang ika-22 ng buwang ito, isinagawa ni Chen Bingde, Puno ng Pangkalahatang Estado Mayor ng People's Liberation Army o PLA ng Tsina, ang opisiyal na pagdalaw sa Estados Unidos. Sa kanyang pananatili sa E.U., nakipagtagpo siya kina Mike Mullen, Chairman of US Joint Chiefs of Staff; Hillary Clinton, Kalihim ng estado ng E. U.: at Robert Gates, Kalihim ng Pentagon (ng E.U). Bumigkas din siya ng talumpati at bumisita sa mga base ng hukbong Amerikano.
Datapuwat ipinahayag ng dalawang bansa na kapuwa sila umaasang sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, maitatatag nila ang regular na mekanismo para mapalalim ang pagtitiwalaan sa isa't isa, pagdating sa mga isyung pinagtatalunan ng dalawang panig na gaya ng pagbebenta ng mga sandata sa Taiwan, mga isla sa South China Sea at isyung nuclear ng Korean Peninsula, wala pa rin silang narating na mga aktuwal na kasunduan at komong palagay.
Unang una, nananatiling makapit ang di-pagtitiwalaan ng dalawang bansa na dulot ng matagal na komprontasyon nila noong panahon ng Cold War at ito ay mahirap mapawi sa lalong madaling panahon; ikalawa, kahit malaki ang bolyum ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa, ang pangunahing bahagi nito ay mga pang-araw-araw na gamit, karaniwang paninda at yaman ng mina sa halip ng mga paninda na nakakakomplemento sa kabuhayan ng isa't isa at sa iba pang mga mahalagang larangan ng dalawang bansa. Kaya ang kasalukuyang bilateral na relasyon ng dalawang bansa ay madaling naapektuhan.
Para sa E.U., walang duda, nananatili itong may namumunong papel sa kasalukuyang sistema at mga mahalagang isyung pandaigdig dahil sa pinakamalakas na puwersang militar nito at pinakapangunahing papel ng US Dollar sa international settlement. Pero, para sa Tsina, ito ay nasa landas lamang patungo sa pagbangon at isang malaking bansa lamang sa Asya.
Kahit ang paraan at nilalaman ng pag-unlad ng Tsina ay suliraning panloob, sa proseso ng pag-unlad nito, kailangan nito ng malaking espasyo at yaman. Kaya di-maiiwasang maganap ang mga ugnayan at alitan sa ibang bansa-- lalo na sa mga karatig-bansa-- na gaya ng sa teritoryo, yaman ng mina at iba pa. At hinggil sa kung papaanong malulutas ang naturang mga isyu, madaling lumilitaw ang alitan ng Tsina at E.U. dahil sa kanilang magkaibang paninindigan at responsibilidad na pandaigdig.
Sa katotohanan, ang ganitong hidwaan ng Tsina at E.U. ay kung papaanong ipapaliwanag ang kani-kanilang katayuan at papel sa kasalukuyang sistema ng rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigdig at mapangalagaan ang kani-kanilang lehitimong kapakanan. Ito ay nagsisilbing ring isang malaking hadlang sa relasyon ng Tsina at E.U..
Kaya masasabing kahit mayaman ang nilalaman ng pagbisita ni Chen sa E.U. at mainit na sinalubong siya doon, nananatili pa ring malayo ang agwat ng Tsina at Estados Unidos sa pagtatatag ng bilateral na relasyon na may pagtitiwalaan, pagkakaunawaan at paggagalangan sa kani-kanilang nukleong interes. At ang pagdalaw na ito ay maituturing na isang magandang simula lamang.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |