|
||||||||
|
||
Para sa mga estudyanteng Tsino, papalapit na ang masayang summer vacation, pero, para sa mga estudyanteng nasa third year high school, bago ang bakasyon, dapat muna silang lumahok sa National Entrance Examination na nakatakdang idaos sa ika-7 at ika-8 ng buwang ito.
Tumatakbo ang isang estudyante para lumahok sa National Entrance Examination
Para sa mga estudyanteng Tsino, napakahalaga ng eksaminasyong ito, dahil ito ay may kaugnayan sa kung aling pamantasan puwedeng pumasok ang mga estudyante at higit sa lahat, mayroon itong epekto sa kanilang pagtatrabaho pagka-graduate, kaya masasabing ang eksaminayong ito ay magdudulot rin ng malaking presyur sa kanila dahil kinakailangan nilang paghandaan ito nang husto.
Sa taong 2011, itinakda ng mga pamantasan at kolehiyo ng Tsina ang admisyon ng 6.75 milyong estudyante at ang kabuuang bolyum ng pagpapatala ng mga estudyante sa nasabing eksaminasyon ay umabot sa halos 9.33 milyon. Ibig-sabihin, mahigit 2.5 milyong estudyante ay hindi kayang pumasok sa pamantasan at kolehyo.
Pero, unti-unting nagbabago ang kalagayan ng ganitong eksaminasyon ngyon sa Tsina. Halimbawa, kumpara sa taong 2008, bumaba ang bolyum ng pagpapatala ng mga estudyante nitong nagdaang 3 taong singkad, pero sa kabilang dako; tumataas nang tumataas ang bilang ng admisyon ng mga pamantasan at kolehiyo ng Tsina.
Mga magulang ng estudyante kung sino ang lumahok sa National Entrance Examination
Kaugnay nito, una, ito ay may kaugnayan sa pagbabago ng birth rate ng Tsina, dahil napakalaki ng populasyon ng Tsina, pinakapangunahing hamong panlipunan, kahit gaano kaliit ang pagbabago ng taunang birth rate, ito ay bunga ng agwat ng ilampung libong populasyon.
Bukod dito, parami nang paraming estudyante ang nagdedesisyong mag-aral sa mga pamantasan at kolehyo sa ibang bansa, dahil gusto nilang matutuhan ang iba't ibang uri ng kultura at kaalaman. Isa pa, mas maraming kilala at mahusay na pamantasan at kolehiyo sa ibayong dagat kaysa sa loob ng Tsina.
Paghahanda para sa National Entrance Examination
Pero, iyong mga estudyanteng Tsino na nag-aaral sa ibayong dagat ay, pangunahin na, galing sa mga mayayamang pamilya at mauunlad na purok ng Tsina. Para doon sa mga estudyante na galing sa mahihirap na purok, gusto nilang pumasok sa vocational schools, kasi alam nila na mas madali silang makakakita ng trabaho pag vocational course ang kinuha nila.
Sa katotohanan, ang halos lahat ng mga estudyanteng Tsino ay dapat kumuha ng pagsusulit na ito, at umaasa ako na sana ay maganda ang makukuhang resulta ng mga kukuha eksaminasyon para ma-enjoy nila nang lubos ang kanilang summer vacation.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |