|
||||||||
|
||
Kahit saan kayo ngayon pumunta sa Tsina, maririnig ninyo ang mga mamamayamg Tsino na umaawit ng "red songs." Ano ba itong tinatawag na "red songs" dito sa Tsina?
Noong unang panahon, mula ika-3 hanggang ika-7 dekada ng nagdaang siglo, dahil ang Tsina ay dinaluhong minsan ng pananalakay ng Hapones, ng marahas na pakikialam ng mga bansang kanluranin sa mga suliraning panloob at negatibong epekto ng kaisipang makakaliwa pagkatapos ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, ang "red songs" ay tumutukoy, pangunahin na, sa mga awit na nagbibigay-puri sa magandang inang-bayan, nagbibigay-buhay sa diwa ng mga mamamayang Tsino sa pakikibaka laban sa pananalakay at pagsasakatuparan ng pagsasarili at pagyabong ng Nasyong Tsino at humahanga sa dakilang lider na gaya ni Chairman Mao.
Sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, umunlad na nang mabilis ang kabuhayan at lipunan ng Tsina at mas yumaman at bumuti ang pamumuhay ng mga Tsino, kaya nagbago ang nilalaman ng "red songs" at nagsimula itong tumuon ngayon sa pagbati sa kasalukuyang magandang pamumuhay at mabuting hangarin sa kinabukasan.
Bakit nagiging popular ang red songs sa Tsina?
Una, ang ganitong awitin ay nagpapakita ng mahalaga at magandang diwa at hangarin ng mga mamamayang Tsino sa isang henerasyon. Halimbawa, noong panahon ng anti-Japanese war o World War II, popular iyong mga awiting nagpapasigla sa diwa ng mga mamamayang Tsino sa pakikibaka laban sa pananalakay at pagsasakatuparan ng pagsasarili at pagyabong ng Nasyong Tsino.
Ikalawa, ang ganitong awitin ay naglalayong maenkorahe ang mataas na moralidad at magandang asal, kaya madali itong magustuhan ng higit na nakararaming mamamayan.
Mangyari pa, ang ganitong awitin ay may mahigpit na kaugnayan sa mga magagandang domestikong pelikula na nakakaakit ng maraming manonood at sa mabisang pagsasahimpapawid sa mga radio, TV at internet.
Kahit ang awitin ay isang uri ng sining lamang, ito naman ay gumaganap ng malaking papel sa pagpapasigla ng diwa ng mga tao at pagkakaisa ng kanilang mithiin.
Sa kasalukuyang lipunan ng Tsina, kahit may natatamong kapansin pansing bunga sa iba't ibang larangan, malubha rin ang mga isyung panlipunan na gaya ng paglaki ng agwat ng mga mayayaman at mahihirap, korupsyon, polusyon ng kapaligiran at paglaki ng presyur sa pamumuhay.
Kaya ang pagiging popular ng mga red songs ngayon sa Tsina ay para, pangunahin na, mapasigla ang kompiyansa ng mga mamamayan sa pamumuhay at magbuklod-buklod ang lahat ng mga sirkulo ng lipunan upang mapaganda ang kinabukasan ng Tsina.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |