|
||||||||
|
||
Ngayon sa Tsina, mainit na tinatanggap ang isang domestic film na may pamagat na Beginning of The Great Revival. Ang pelikulang ito ay nagsasalaysay ng kasaysayan ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina o CPC mula taong 1911 hanggang 1921.
Mula taong 1921 hanggang taong 2011, 90 taon na ang kasaysayan ng CPC. Para sa isang tao, ang 90 taong gulang ay talagang matanda na, pero para sa isang partido, ito ay kasibulan pa lamang kumpara sa 5 libong taong kasaysayan ng Tsina.
Sa katotohanan, noong panahon ng katatatag pa lamang ng CPC, ito ay isang maliit na partido na may mahigit 50 miyembro lamang. Kumpara sa ibang mga grupong pulitikal at militar sa Tsina noong panahong iyon, kulang ang CPC sa malakas na sandatahang lakas, sapat na pondo at matunog na pangalan. Halimbawa, ang pinakamalaking partido noong panahong iyon ay ang Kuomintang na itinaguyod ni Dr. Sun Yet-sen. Ang mga pinakamalakas na grupong militar naman ay ang sandatahang lakas na kinakatigan ng Britanya, Pransya at Hapon. Pero, ang CPC ay may mahigpit na kaugnayan at kumakatawan sa kapakanan ng mga magsasaka at manggagawa na ang kabuuang bilang ay katumbas ng karamihan ng populasyon ng Tsina at sabayang nagpapakaibigan ng mga talento at grupo na tumutol sa pakikialam ng ibang bansa sa suliraning pangloob ng Tsina at kumatig sa pagsasarili ng bansa. Ito ang dahilan kung bakit kumatig ang mga mamamayang Tsino sa pagiging naghaharing partido ng CPC sa Tsina noong taong 1949.
Talagang kumpirmado na pagkatapos ng pagkakatatag ng PRC, dumaan minsan ang CPC sa mga pagsubok. Ang ilan ay napagtagumpayan nito, samantalang ang ilan ay hindi. Halimbawa, sa isang dako, tumaas ang karaniwang edad ng mga mamamayang Tsino. Halos lahat ng mga bata ay libreng makapasok sa paaralan at umunlad nang malaki ang mga larangan ng Tsina na gaya ng siyensiya at teknolohiya. Sa kabilang dako, di gaanong mabuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino at dumalohong minsan sa Tsina ang cultural revolution mula taong 1966 hanggang 1976. Noong 10 taong iyon, magulo ang buong Tsina.
Kung si Chairman Mao ay namuno sa mga mamamayang Tsino tungo sa pagtatatag ng isang nagsasarili at malakas na bansa, si Deng Xiaoping naman ay namuno sa mga mamamayang Tsino tungo sa kanilang pagyabong.
Sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas noong 1978, mabilis nang umunlad ang kabuhayan ng Tsina at unti-unting gumaganda ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino. Ngayong sa Tsina, lalo na sa mga malalaking lunsod na gaya ng Beijing at Shanghai, pare-pareho ang anyo nito sa mga malaking lunsod sa daigdig na gaya ng Tokyo, New York at iba pa. Pero, nananatili pa rin ang mga isyung panlipunan na gaya ng paglaki ng agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, pagbaba ng moralidad na panlipunan ng mga tao at iba pa.
Bakit sinabi kong ang CPC ay nasa panahon ng pagkabata? Una, kasabay ng pagtatamo nito ng mga kapansin-pansing bunga, nahaharap naman ito sa ilang suliranin; halimbawa, kasunod ng pag-unlad ng kabuhayan, lumulubha naman ang polusyon sa kapaligiran.
Ikalawa, kaugnay ng isyu ng CPC sarili, halimbawa ng korupsyon, di mahusay ang gawain ng pagpigil. Ito ay madaling nakakaapekto sa kompinyansa ng mga mamamayan sa CPC, dahil ngayon, madali at mabilis ang komunikasyon at pagpapalaganap ng balita, kaya, mahirap na mawala ang negatibong epekto kung matutuklasan ang problemang kinasasangkutan ng CPC.
Gayuman, nananatiling obdiyektibo ang ideya ng CPC at masigla ang takbo nito, lalo na sapul noong 1978; ibig-sabihin, ang mga patakaran at hakbangin nito ay batay sa pangangailangan ng mga mamamayang Tsino. Pero, dahil unti-unting nagiging samut-sari ang mga pangangailangang ito, nangangailangan ang CPC ng mas malaking pagsisikap para malaman ang tunay na pangangailangan ng mga mamamayan at makapagsagawa ng mas makatutugong hakbangin.
Sa katotohanan, para sa isang bata, punong puno siya ng kasiglahan at pagsisikap para hanapin ang mas magandang pamumuhay sa hinaharap. Kaya, para sa CPC, ang ika-90 anibersaryo ay isang bagong simula para sa ibayo pang pagpapabuti.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |