|
||||||||
|
||
Wala pang isang buwang opisiyal na tumatakbo ang Beijing-Shanghai high speed railway, marami nang natuklasang mga problema na tulad ng walang sapat na tubig na maiinom at pagkain sa tren, pansamantalang nahihinto ang biyahe dahil sa epekto ng panahon, hindi nakakarating sa takdang oras, di-mabuting hakbangin sa pagharap sa mga biglaang pangyayari, at iba pa. Para sa tren na may pinakamabilis na takbo, pinakamahabang biyahe, pinakasulong na teknolohiya, pinakamalaking laang-gugulin at pinakamataas na presyo ng ticket sa Tsina, walang duda, ang nabanggit na mga problema ay nagsisilbing malaking hamon sa pambublikong prestihiyo ng pamahalaang Tsino.
Para sa anumang proyekto, dapat ay isagawa alinsunod sa plano at may mahitpit na pagsusuperbisa at pagsusuri sa proseso ng konstruksyon. Kaya ang mga problemang ito ay sumasalamin na sa proseso ng konstruksyon ng Beijing-Shanghai high speed railway, kulang sa pagpapahalaga sa kaligtasan at kalidad nito.
Sa katotohanan, hindi lamang ang Beijing-Shanghai high speed railway, kundi ang konstruksyon ng mgaimprastruktura sa ibang mga purok ay may ganitong problema sa kaligtasan at kalidad. Sa tingin ko, ito ay pagkakaita na pinahahalagahan lamang ng mga pamahalaang lokal ang mga pansamantalang kapakanan at kanilang tagumpay lamang at kulang sa plano sa pangmatalagang pag-unlad sa hinaharap.
Kahit pa ang Tsina ang may ikalawang pinakamalaking GDP sa daigdig, mabilis na bahagdan ng paglaki ng kabuhayan at lipunan at may malaking pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan nitong nagdaang 30 taon, ang mga problema sa imprastruktura at ganitong aksyon ng pamahalaang lokal ay unti-unti nakakapinsala sa pambublikong prestihiyo ng pamahalaan, isa sa mga mahahalagang elemento sa pagpapakaisa ng pamahalaan sa mga puwersa ng iba't ibang sirkulo at pangangalaga sa katatagan ng lipuan para maigarantiya ang mabilis at malusog na pag-unlad ng bansa.
Inulit minsan ni Pangkalahatang Kalihim Hu Jintao ng Partido Komunista ng Tsina o CPC sa kanyang talumpati bilang pagdiriwang sa ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC na dapat sinunod ng mga opisiyal ang siyektipikong prinsipyo sa kanilng tungkulin. Sa isang dako, ito'y nagpapakita na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang mga kapakanan at karapatan ng mga mamamayan at pangangalaga sa malusog at matatag na pag-unlad ng bansa; sa kabilang dako naman, ito'y sumasalamin sa ganitong mga di-mabuting aksyon ng ilang opisiyal ng Tsina na nakakapinsala sa pambublikong prestihiyo at unti-unting nagiging isang malawak na isyung panlipunan.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |