Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Tsina, dahan dahan

(GMT+08:00) 2011-07-27 15:24:15       CRI

Ano ang mangyayari kung magbabanggaan ang dalawang mabilis na tumatakbong tren? Makikita ninyo ito sa lugar na pinangyarihan ng pagbabangaan ng tren sa linya ng Wenzhou, lalawigang Zhejiang ng Tsina. Ayon sa opisiyal na estadistika, hanggang kinagabihan ng ika-25 ng buwang ito, ang bilang ng mga kasuwalti ay umabot sa 40.

Para sa Tsina, ang high speed railway ay isang bagong teknolohiya na hindi pa dumadaan sa pagsubok ng panahon, kaya, sa kasalukuyan, dapat ay buong ingat na giamitin at palaganapin ito sa buong bansa—kahit pa sulong na ang ginagamit na teknolohiya ng Tsina sa buong daigdig.

Bukod dito, kumpara sa ibang mga bansa na gumagamit ng high speed railway nang mahabang panahon at may mayamang karanasan sa pagharap sa mga problema sa operasyon ng tren, kulang ang Tsina sa ganitong karanasan at katugong hakbangin. Pinatunayan na ito ng nasabing aksidente at ibang mga ginanap na problema kamakailan. Kasabay nito, ang aksidenteng ito ay nagpapakita pang kulang ang mga departamento ng pamahalaang Tsino sa pagpapahalaga sa kalidad at kaligtasan ng mga mahalagang imprastruktura.

Bukod sa high speed railway, nitong ilang taong nakalipas, lumitaw pa ang ibang mga problema sa kaligtasang pampubliko. Halimbawa'y natuksalang may melamine sa mga gatas at milk powder noong 2008, naganap ang malakas na sunog sa isang napakataas na gusali sa Shanghai noong 2010 dahil ginamit ang di-kwalipikadong materiya sa proseso ng konstruksyon. Iyong mga problemang iyon ay, sa isang dako, nakapinsala sa pambublikong prestihiyo ng pamahalaan at kaligtasan ng ari-arian at buhay ng mga mamamayang Tsino; sa kabilang dako naman, nakaapekto sa matatag at mabuting pag-unlad ng bansa, dahil ang pamahalaan at mga apekadong mamamayan ay dapat gumastos ng malaking enerhiya at salapi sa pagri-repair ng naturang mga kapinsalaan.

Ang pag-unlad ng Tsina ay parang isang tren na tumatakbo nang mabilis sa high speed railway, at iyong mga problema ay parang mga banta na posibleng magdulot ng aksidente. Kaya dapat ay dahan-dahan lamang ang takbo ng Tsina para makapagbigay ng mas maraming enerhiya sa pagpigil sa mga problemang iyon at para mapangalagaan ang kaligtasan at katatagan ng lipunan sa halip ng paghahanap ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan lamang.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>