|
||||||||
|
||
Sapul noong Hunyo ng taong ito, magkakasunod na pinasarahan ng pamahalaan ng Beijing ang 24 na espesyal na paaralan para sa mga anak ng migrant workers, dahil ang mga paaralan umanong ito ay walang katunayan ng pagiging legal na paaralan at masama ang kondisyon nito at may nakatagong panganib. Pero, ito ay nangangahulugan na kailangan ng gobyerno ng pagsasaayos ng 14 na libong estudyante nito at nagiging mas mahirap ang pagpasok sa paaralan ng mga anak ng migrant workers na nasa tamang edad na para pumasok sa paaralan batay sa batas ng Tsina.
Kahit nangako ang mga opisyal ng pamahalaan ng Beijing na igagarantiya nito ang pagpasok ng lahat ng mga apektadong estudyante sa paaralan sa bagong semester, sinabi ng isang opisiyal ng departamento ng edukasyon ng Chaoyang District sa Beijing, sa 4574 na estudyante ng mga pinasarahang paaralan para sa mga anak ng migrant workers sa lokalidad, hanggang sa ika-16 ng nagdaang buwan, 467 lamang sa kanila ang maaaring pumasok muli sa paaralang pampubliko.
Bakit naganap ang ganitong pangyayari?
Una, ayon sa mga tadhana ng pamahalaan ng Beijing, kung gusto ng mga anak ng migrant workers na pumasok sa mga pampublikong paaralan, dapat silang magpakita ng katunayan ng pansamantalang paninirahan sa Beijing, household register, katunayan na hindi lubos na maaalagaan ang kanilang mga anak sa kanilang lupang tinubuan at iba pa. Sa katotohanan, ilang bahagi lamang ng migrant workers sa Beijing ang nakakuha ng lahat ng ganitong katunayan.
Ikalawa, mahirap na mapabuti ang mga paaralang iyon. Ayon sa estadistika, noong 2006, may mahigit 380 espesyal na paaralan para sa mga anak ng migrant workers sa Beijing, pero mahigit 50 lamang sa mga ito ang nakakuha ng sertipikasyon. Kaya, para sa ibang mga paaralan na kulang sa pagkatig ng pondo ng gobyerno, mahirap para sa mga paaralang ito na makakuha ng sapat na pondo para mapabuti ang kanilang kondisyon lalo pa't hindi naman talagang mayayaman ang migrant workers.
Kasunod ng mabilis na pag-unlad ng mga lunsod sa Tsina, dinarayo ang mga ito ng parami nang paraming migrant workers at, sa isang dako, gumaganap sila ng positibong papel sa pagpapasulong ng prosesong ito; sa kabilang dako naman, ang isyu ng edukasyon sa kanilang mga anak sa lokalidad ay nagiging isang malaking isyung panlipunan, kaya iyong mga espesyal na paaralan para sa mga anak ng migrant workers ay nagpapahupa nang malaki sa presyur ng isyung ito.
Kaya, para sa Beijing, dahil sa umiiral na household registration system ng bansa at malaking presyur ng mabilis na paglaki ng populasyon, di-kaya ng gobyernong igarantiya ang pagpasok ng lahat ng mga anak ng migrant workers sa pampublikong paaralan. Pero, may responsibilidad itong igarantiya ang karapatan nila sa pagtanggap ng edukasyon, di ba?
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |