|
||||||||
|
||
Noong nagdaang Oktubre, opisyal na isinapubliko ng State Administration of Radio Film and Television ng Tsina o SARFT, pangunahing departamentong nangangasiwa sa mga himpilan ng radyo at telebisyon at nagsusuri sa kanilang mga programa at sa pelikula, ang isang tadhana na nagsasaad na ang bilang ng entertainment programs sa radyo at telebisyon na mula alas-singko ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi ay hindi dapat lumampas sa 3 bawat linggo.
Sa katotohanan, bago pa man lumabas ang nasabing tadhana, ang ilang entertainment programs sa TV na may mga nilalamang labag sa moralidad, sobrang seksuwal, at nakakapanlinlang para lang makaakit ng higit na maraming manonood, ay pinukol ng puna ng opinyong publiko. Halimbawa, sa iang programa, sabi ng isang babaeng panauhin na kahit di-masaya ang pamumuhay at walang pagmamahal, pipiliin pa rin niya ang mayamang lalaki.
Sa nasabing tadhana, hinihiling ng SARFT sa mga TV station na dagdagan nila ang kanilang mga programa ng mga nilalamang edukasyonal, impormatibo, siyentipiko at cultural, at ipauna ang magandang epektong panlipunan para mapigilan ang pagiging masamang impluwensiya ng entertainment programs.
Dahil ang lahat ng mga himpilan ng radyo at telebisyon sa Tsina ay pag-aari ng pamahalaan, bilang namamahalang departamento ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga nabanggit na himpilan, may responsibilidad ang SARFT na pigilin ang pagkalat ng mga masamang programa sa pamamagitan ng radyo at telebisyon.
Ang isang hindi maiwawaksing bagay ay ang karamihan ng kita ng mga himpilan ng radyo at telebisyon ay galing sa advertising revenue sa halip ng laang-gugulin ng pamahalaan; ibig-sabihin, dapat makaakit ang mga ito ng mas maraming manonood. Pero, sa lahat ng uri ng TV programs, ang entertainment programs ang pinakamadali at angkop para sa pag-akit ng mga manonood at advertisement.
Sa isa pang dako, kasunod ng pag-unlad at pagiging bukas ng lipunang Tsino, hindi magkakapareho ang pangangailangan ng mga manonood na Tsino sa TV programs, pero ang entertainment programs ang pinakamabisang paraan para mapahupa ang presyur ng mga manonood na dulot ng mabilis na ritmo ng pamumuhay at makatawag ng pansin ng mas malawak na manonood.
Kaya, kumpara sa pagbibigay lamang ng limitasyon sa bilang ng entertainment programs, mas maganda kung magtatakda na lamang ang SARFT ng mas masusing pamantayan para sa naturang mga programa upang, sa isang dako, mapigilan ang pagkalat ng masasamang programa, at sa kabilang dako naman, makatugon sa pangangailangan ng mga manonood.
Sa banding huli, ano ang pamantayan ng maganda at masamang entertainment programs? Ito ay batay sa aktuwal na epekto sa mga manonood at mga kinikilalang moral standards sa halip ng tadhana ng pamahalaan lamang.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |