Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Reporma sa sistemang pangkultura ng Tsina

(GMT+08:00) 2011-11-18 15:56:58       CRI

Kamakailan, ang pinakamalaki at pinakapangunahing gawain sa buong bansa ay nagpalalim sa reporma ng sistemang pangkultura. Sa ika-6 na sesyong plenaryo ng ika-17 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC mula noong ika-15 hanggang ika-18 ng nagdaang Oktubre, nilagom nito ang mga karanasan sa pag-unlad ng kultura, pinag-aralan at idineploy(?) ang pagpapalalim ng reporma sa sisitemang pangkultura para ibayo pang mapasulong ang pag-unlad ng kultura, mabigyang-kasiyahan ang lumalaki nang lumalaking pangangailangan ng mga mamamayan at mapatingkad ang kultura ng Nasyong Tsino.

Sa katotohanan, kumpara sa kapansin-pansing bunga sa larangan ng kabuhayan, mahina ang natamong bunga ng Tsina sa larangan ng kultura. At kasunod ng pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng Tsina, lumitaw rin ang mga bagong hamon sa larangan ng kultura na di nakita sa saradong panahon ni Chairman Mao.

Pero hindi tulad ng ekonomiya, mahirap na bigyan ng maliwanag na istandard ang kultura. Halimbawa, ang pagtaas ng unemployment rate ay tumutukoy sa di-magandang takbo ng kabuhayan, pero ang dami ng pelikula o TV programs ay hindi nangangahulugan na nakakasapat ito sa pangangailangan ng lahat ng mga mamamayan. Kahit sa laman ng isang pelikula mismo, hindi nagkakaisa ang lahat ng mga manonood, di ba?

Sa isa pang dako, ang kultura ay isang bagay na may kaugnayan sa diwa, kaugalian at kalooban ng isang tao at ang mga bagay na nakakaapekto sa kultura ay ang mga may kinalamang produkto at pangyayari. Halimbawa, ang pelikulang Shaolin Temple ni Jet Li ay nagbigay ng kasiglahan sa mga kabataang Tsino para mag-aral ng Kungfu, pasulungin ang turismo sa Shaolin Temple at palaganapin ang kultura ng Kungfu sa daigdig. Pero, ito ang hindi nangangahulugang ang direktor ng pelikulang ito o kompanyang nagprodyus nito ay direktang nagdulot ng nabanggit na epekto at ang paggawa ng pelikulang ito ay hindi bunga ng mga batas at tadhana ng pamahalaan. Ibig sabihin, maaaring mapigilan ng pamahalaan ang pagpasok ng mga masamang nilamaman sa mga kathang pangkultura, pero, hindi nangangahulugan na puro magagandang katha lamang ang mapoprodyus dahil dito.

Walang duda, ang mga batas ng bansa at moralidad na pamlipunan ay dapat sundin ng lahat ng mga tao, pero sa tingin ko, sa ilalim ng kalagayang ito, ang pag-unlad ng kultura ay nangangailangan ng isang lubos na malayang kapaligiran para mapasigla ang pagkatha ng mga tao sa iba't ibang uri ng mga kathang pangkultura.

Bukod dito, kahit nagkakaisa ang mga komong ideya at moralidad, magkakaiba-iba naman ang paraan ng pagpapakita ng mga ito sa mga kathang pangkultura at magkakaiba-iba rin ang pangangailangan ng mga mamamayan. Para naman doon sa mga indibiduwal na nabibilang sa iba't ibang henerasyon, magkakaiba rin ang kanilang kakahayan sa pagsasagawa ng konklusyon sa mga bagay.

Madaling maintindihan ang pangangailangan ng mga nasa hustong gulang at bata, higit pa sa mga lalaki at babae, at mga tao sa iba't ibang relihiyon at lahi. Kaya imposibleng magkapare-pareho ang mga kathang pangkultura, at kailangang kailangang bumalangkas ang pamahalaang Tsino ng maliwanag na tadhana at mga may kinalamang hakbangin para maisapamantayan ang nialalaman at paraan ng mga katha para makatugon sa pangangailangan ng mga tao sa iba't ibang henerasyon. Pero sa kasalukyan, wala pang ganitong mga maliwanag na tadhana, pamantayan at hakbangin dito sa Tsina.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>