|
||||||||
|
||
Nagpatala na sa ika-7 ng buwang ito si Vladimir Putin, kasalukuyang punong Ministro ng Rusya, bilang kandidato sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan. Siya rin ang unang kandidato na nagparehistro sa halalang pampanguluhan sa taong 2012.
Pero ayon sa opisiyal na bilangan sa 95% boto ng halalan ng Mababang Kapulungan ng Rusya (Duma) na idinaos noong ika-4 ng buwang ito, ang proporsyon ng United Russia Party, naghaharing partido ng bansang ito, ay bumaba sa 49.67%, mula 64% sa nagdaang halalan. Ang proporsyon ng tatlong iba pang partido na kinabibilangan ng Partido Komunista ng Rusya, Just Russian Party, at Liberal-Democratic Party of Russia, ay umabot sa 19.13%, 13.18%, at 11.66% ayon sa pagkakasunud-sunod.
Ang resultang ito ay nangangahulugang kahit ang United Russia Party ay muling magiging naghaharing partido at makakayang ipasa ang karamihan sa mga karaniwang panukulang-batas sa Kapulungan, kung magbabalak itong ipasa ang mga kritikal na panukulang-batas na nangangailangan ng pagkatig ng karamihan sa Kapulungan batay sa konstitusyon, dapat itong makipag-koalisyon sa ibang partido.
Pagkaraang lumabas ang resulta ng halalan, ipinahayag ni Pangulong Dmitri Medvedev na kahit ang United Russia Party ang siyang pinakamalaking partido sa Kapulungan, kailangan pa rin nitong isagawa ang pakikipagsanggunian sa ibang mga partido hinggil sa isang serye ng mga isyu. Kinilala din ni Vladimir Putin, Punong Ministro ng Rusya, na kinakaharap ng partidong ito ang mga kahirapan, pero may kakayahan pa rin itong panatilihin ang katatagan ng bansa.
Kaugnay nito, ipinalalagay ng mga media ng kanluraning bansa na ito ay palatandaang pumasok na sa bagong panahon ang kalagayang pulitikal ng Rusya, dumarami ang mga Rusong nagsasawa na sa pamamalakad ng United Russia Party, at kakaharapin ni Putin ang mas malaking hamon sa halalang pampanguluhan sa taong 2012.
Sa katotohanan, kumpara sa proporsyon ng Untied Russia Party sa mababang kapulungan, higit na maliit naman ang mga bahagi ng tatlong iba pang partido. Kasabay nito, kumpara sa kalagayan noong nakaraang 4 na taon, mas maganda ang kalagayan ngayon ng Rusya.
Pero, nahaharap pa rin ang Rusya sa napakaraming problema na gaya ng pagkakataon sa trabaho, pagkakapantay-pantay sa lipunan, korupsyon sa pamahalaan at iba pa.
Kaya sa tingin ko, ang resulta ng halalang parliamentaryo sa taong ito ay nagpapakita ng pagiging debirsipikado ng pagpili ng mga rehistradong botante at ng malaking kahilingan nila sa naghaharing partido. Gayunman, ito ay hindi nangangahulugang binigo ng Untied Russia Party ang pag-asa ng mga mamamayang Ruso.
Bukod dito, ang halalang parliamentaryo at pampanguluhan sa Rusya ay magkahiwalay sa isa't isa, kaya, para sa mga mamamayang Rusyo, ang pagboto sa ibang partido sa halip ng Untied Russia Party ay hindi nangangahulugang itinatakwil na nila si Putin o wala na silang pagkatig dito. Kaya, ang pagbaba ng proporsyon ng Untied Russia Party sa mababang kapulungan ay hindi nangangahulugang kakaharapin ni Putin ang mas mahigpit na hamon sa halalang pampanguluhan sa taong 2012.
Kaya masasabing kahit kinakaharap ni Putin ang mga pagpuna sa kanilang estilo ng administrasyon at gawain, popular pa rin siya sa mga mamamayang Ruso at wala pa nakikita ang anumang estadista sa Rusya na parehong popular kay Putin sa Rusya o may kayang matalo si Putin sa halalang pampanguluhan sa taong 2012.
Pero walang duda, ang pagbaba ng proporsyon ng Untied Russia Party sa mababang kapulungan ay nagsisilbing paalala kina Pangulong Dmitri Medvedev at Punong Ministro Vladimir Putin na dapat nilang pagtuunan ng malaking pansin ang mga isyung labis na pinahahalagahan ng mga mamamayang Ruso na gaya ng korupsyon, sustenableng paglaki ng kabuhayan, at pagtaas ng lebel ng pamumuhay.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |