Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Tsina, ganap na ipapatupad ang katatagan at kaunlaran sa taong 2012

(GMT+08:00) 2011-12-16 16:17:41       CRI

Noong ika-12 hanggang ika-14 ng buwang ito, idinaos sa Beijing ang pulong hinggil sa gawaing pangkabuhayan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC. Dumalo sa pulong na ito ang buong liderato ng Tsina na kinabibilangan nina Hu Jintao, Wu Bangguo, Wen Jiabao, Jia Qinglin, Xi Jinping, Li Keqiang at iba pa.

Dahil ang CPC ay ang naghaharing partido ng Tsina, ang nasabing pulong ay hindi lamang pinakamataas na pulong ng CPC hinggil sa gawaing pangkabuhayan, kundi, itinuturing din ang pulong na komprehensibong magtatakda sa mga patakaran sa susunod na taon.

Ayon sa pahayag pagkatapos ng pulong na ito, ang pangunahing gawain ng Tsina sa taong 2012 ay panatilihin ang katatagan at kaunlaran ng kabuhayan at lipunan.

Hindi tulad ng pulong noong taong 2010 na ginamit ang pagpapanatili ng katatagan ng presyo ng mga paninda bilang pangunahing gawain sa taong 2011, sa kasalukuyang pulong, ipinauna naman ang pagpapanatili ng paglaki ng kabuhayan sa taong 2012.

Bukod dito, nakikita pa rin ang mga bagong gawain sa pagpapanatili ng paglaki ng kabuhayan sa taong 2012. Halimbawa, pananatilihin ang sustenable at matatag na pag-unlad ng kabuhayan sa halip na pagbaba-taas ng pag-unlad, pasusulungin ang pagsasaayos ng estrukturang pang-industriya, at gagamitin ang bunga ng paglaki ng kabuhayan upang pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Sa kabilang dako, ang pagpapanatili ng katatagan ng kabuhayan ng lipunan sa taong 2012 ay kinabibilangan ng pagpapatatag ng patakaran ng makro-ekonomiya, at pagpapanatili ng katatagan ng lipunan.

Pero sa larangang ito, may mga bagong nilalaman ang kasalukuyang pulong na hindi iniharap noong taong 2009 at 2010. Halimbawa, pabubutihin ang pamumuno ng CPC sa gawaing pangkabuhayan, mahigpit na susundin ng mga departamento ang pangkalahatang kahilingan ng Komite Sentral ng CPC at pamahalaang sentral, balanseng pasusulungin ang kabuhayan, kultura, at lipunan, at pahihigpitin ang pagsusuperbisa at pangangasiwa sa administrasyon.

Dahil sa susunod na taon, mahahalal ang bagong liderato ng CPC at pamahalaan, ang gawaing pagpapanatili ng katatagan ay nagiging mas mahalaga. Bukod dito, sinimulang pahalagahan ng CPC ang kaugnayan ng pag-unlad ng kabuhayan at ibang mga larangan, lalo na sa kultura.

Halimbawa, ang mga pelikula ay magandang paraan sa pagpapalaganap ng kulturang Tsino sa daigdig. Kasabay nito, ang industriya ng pelikula ay nagkakaloob ng mga pagkakataon ng trabaho, at buwis ng pamahalaan. Pero sa kabilang dako, sa mga TV drama at entertainment program, lumitaw ang ilang labis na madugo at ponograpikong tagpo dahil sa pangangailangan ng benepisyo. Ang kalagayang ito ay magdudulot ng mga negatibong epekto sa ideya ng lipunan, lalo na sa mga bata.

Tulad ng alam ng lahat, ang Tsina ay ika-3 pinakamalaking bansa sa daigdig at magkakaiba ang kalagayan sa pagitan ng mga lalawigan. Kung bibigyan ng pansin ng isang lugar ang pag-unlad ng kanyang sarili, sisirain ang kapakanan ng ibang lugar.

Halimbawa, ang isyu ng polusyon. Sa mga malalaking lunsod at base ng mga mabigat na industriya ng Tsina, malubha ang isyung ito dahil sa malaking emisyon at gastos sa yaman para sa pag-unlad. Pero, ang mga lugar na nasa paligid nito, kahit gaano kaliit ang gastos sa yaman at enerhiya, ang mga ito ay naapektuhan pa rin nang malaki ng polusyon na dulot ng mga malaking lunsod at base ng mga mabigat na industriya.

Kaya, ang pagpapabubuti ng pamumuno ng CPC sa gawaing pangkabuhayan, mahigpit na pagsusuperbisa at pangangasiwa sa mga departamento at lugar alinsunod sa kahilingan, at pagdedeploy ng Komite Sentral ng CPC at pamahalaang sentral, ay makakabuti sa pag-unlad ng isang lugar at hindi makakasira sa mga kapakanan ng ibang lugar. Ito rin ay komprehensibong magpapaunlad sa kabuhayan at lipunan, sa halip na paghahanap ng benepisyong pangkabuhayan lamang.

Ang malaking pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina noong mahigit 30 taong nakaraan ay nagmula sa paggigiit ng CPC at pamahalaang sentral ng gawaing konstruksyong pangkabuhayan bilang sentro ng gawain ng buong bansa. Pero, kumpara sa mga umuunlad na bansa, kung saan nagiging magulo ang kalagayan at tumitigil ang kabuhayan pagkaraan ng mabilis na pag-unlad, ang pinakamahalagang garantiya ng sustenableng pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay matatag na kalagayan, mabisang takbo ng pamahalaan, at marunong na pamumuno ng CPC batay sa iba't ibang aktuwal na kalagayang panlabas at panloob.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>