Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Tsina, maingat sa sovereign debt crisis sa Europa

(GMT+08:00) 2012-02-06 12:30:51       CRI

Mula ika-2 hanggang ika-3 ng buwang ito, isinagawa ni Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya, ang opisiyal na pagdalaw sa Tsina. Siya rin ang unang puno ng ibang bansa na dumalaw sa Tsina pagkatapos ng Spring Festival Holiday.

Sa kasalukuyan, wala pang mainam na tunguhin ang pagbangon mula sa sovereign debt crisis sa Europa. Bilang pangunahing ekonomiya sa Unyong Europeo (EU) at Euro Zone, ang paghahanap ng kooperasyon ng Alemanya sa Tsina hinggil sa isyu ng debt crisis ay itinuturing na isa sa mga pangunahing target sa kanyang pagdalaw.

Sa katotohanan, ang EU ay pinakamalaking trade partner ng Tsina at ang paglutas sa nasabing krisis ay makakabuti rin para sa Tsina. Pero, nananatili pa ring maingat ang pamahalaang Tsino kaugnay ng kung papaano magbibigay-tulong ito sa EU sa usaping ito.

Sa news briefing pagkatapos ng pag-usap nina Merkel at Premyer Wen Jiabao ng Tsina, ipinahayag ni Premyer Wen na pinag-aaralan na ng panig Tsino ang aktuwal na paraan ng paglalaan ng pondo sa pamamagitan ng International Monetary Fund (IMF). Aniya, sa kasalukuyan, isinasagawa pa rin ang pagtasa at pananaliksik hinggil sa paglahok ng Tsina sa paglutas sa nasabing krisis sa pamamagitan ng European Financial Stability Facility (EFSF) at European Stability Mechanism (ESM).

Tinukoy pa ni Premyer Wen na ang susi ng paglutas ng krisis na ito ay sariling pagsisikap ng EU. At bukod sa mga pangkagipitang hakbanging tulong, dapat isagawa ng EU ang reporma sa pinansiya para ihatid sa komunidad ng daigdig ang isang mas maliwanag at napagkasunduang ideya sa paglutas ng krisis na ito.

Kahit hindi isiniwalat ni Premyer Wen ang mga aktuwal na hakbangin sa pagbibigay-tulong sa paglutas ng krisis na ito at hindi rin ipinangako ang mga tulong na pondo, hindi mababago ang paninindigan ng Tsina, umaasa aniya ang Tsina na maayos na malulutas ang krisis na ito.

Ayon sa estadistika ng Pambansang Adwana ng Tsina, mula noong Enero hanggang Nobyembre ng taong 2011, ang bolyum ng bilateral na kalakalan ng Tsina at EU ay umabot sa 517.11 bilyong dolyares, na lumaki ng 19.2% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2010.

Bukod dito, kahit naapektuhan ito ng sovereign debt crisis, nananatiling matatag pa rin ang pamumuhunan ng EU sa Tsina. Ayon sa estadistika ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang 11 buwan ng taong 2011, ang Actual Investment ng 27 bansang EU sa Tsina ay umabot sa 5.98 bilyong dolyares, na lumaki ng 0.29% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2010. Pero, ang Actual Investment ng Estados Unidos sa Tsina ay bumaba sa 23.1%.

Ayon sa imbestigasyon ng EU Chamber of Commerce in China, ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng EU sa Tsina ay lumalawak mula sa Manufacturing Industry tungo sa Indusriya ng Serbisyo, venture capital, at iba pang mga larangan. At lumaki ang tubong-kita ng karamihan ng mga bahay-kalakal ng EU sa Tsina.

Dahil sa mahigpit na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at EU, hindi manatiling magkikibit-balikat lamang ang Tsina sa krisis sa EU, batay sa sa pangmalayuan at estratehikong pananaw.

Sa katotohanan, isinagawa ng EU ang mga hakbangin para lutasin ang krisis na ito. Sa unang EU Summit na idinaos noong ika-30 ng Enero sa taong ito, nilagdaan ng mga kasaping bansa, liban sa Britanya at Czech, ang isang bagong fiscal treaty para pahigpitin ang budgetary discipline at igarantiya ang balenseng pag-unlad ng kabuhayan. Bukod dito, narating na ng mga kalahok na lider ang pagkakaisa sa pagpapasulong ng empleyo ng mga kabataan at pagbangon ng kabuhayan mula sa krisis.

Pero, ang mga hakbanging ito ay hindi pa nakakaranas ng pagsubok ng panahon. At sa kabilang dako, masalimuot ang kalagayan ng krisis, at ito rin ay hindi malulutas sa paraan ng pondo lamang.

Halimbawa, mas mababa ang kakayahang kompetetibo ng mga paninda ng mga bansa kung saan naganap ang krisis, kumpara sa Pransya, Alemanya at mga bansa sa Hilagang Europa. Pero dapat pa ring magkaloob ang mga bansang tinamaan ng krisis ng parehong commonwealth sa mga bansa sa Hilagang Europa, kaya nagkaroon sila ng maraming pambansang utang, hanggang lumampas ito sa hindi katanggap-tangap na antas. Dahil ang agwat sa pagitan ng kakayahang kompetetibo ay hindi mapapaliit sa maiksing panahon. Kaya ang krisis sa mga bansa na gaya ng Greece, Italya, Espanya, at iba pa, ay mahirap na malulutas sa lalong madaling panahon.

Kaya, bago isapubliko ang mabisa at komprehensibong hakbangin sa sovereign debt crisis, mananatiling maingat pa rin ang paninindigan ng Tsina, sa halip na agarang magbigay-tulong sa paraang pondo lamang.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>