|
||||||||
|
||
Kahit wala pang aktuwal na impormasyon at di pa tukoy ang mga salarin na pumatay sa dalawang American military officer sa gusali ng Ministri ng Suliraning Panloob ng Afghanistan sa Kabul noong Sabado, mayroong ulat na nagsasabing inako na ng Taliban ang responsibilidad sa insidenteng ito. Simula nang magprotesta ang mga Afghans matapos ang insidente ng pagsunog ng mga kawal Amerikano ng Koran, may 25 katao na ang namatay sa marahas na demonstrasyon.
Kaugnay ng pagsunog ng Koran, ipinangako ng opsiyal ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na ihaharap ang mga suspek ng insidenteng ito. Pero, sinabi ng Tagapagsalita ng International Security Assistance Force ng NATO na isinasagawa nila ang imbestigasyon ukol dito. Ang proseso ng imbestibasyon ay mahigpit na batay sa mga may kinalamang tadhana at batas. Dagdag pa niya ito ang hindi angkop na panahon para hulaang ano ang pinal na resulta.
Agarang humingi si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos (E.U.) ng paumanhin sa Afghanistan pagkatapos ng insidente ng pagsunog ng Koran, sa kanyang liham kay Hamid Karzai, Pangulo ng Afghanistan, sinabi ni Pangulong Obama na tunay na nagkamali ang mga kawal na Amerikano at humingi ng taos pusong paumanhin sa insidenteng ito. Pero hindi nito napigil ang paglala ng demonstrasyon kontra sa Amerika.
Mga Demonstrador
Sa kasalukuyan, ipinasiya ng NATO na ililikas ang mga kawani na nagtatrabaho sa mga departamento ng Afghanistan. Sinabi ni Gen John Allen, Komander ng tropa ng NATO sa Afghanistan, na ang disisyong ito ay para maigarantiya ang kaligtasan ng mga empleyado nito sa Afghanistan.
Ang pagpagpahalaga ng Koran sa Islam ay parang Holy Bibble sa Kristyanismo. Naniniwala ang mga Muslims na ang Koran ay mga pananalita ng Diyos. Bago bumasa o humipo sa iyong banal na libro, dapat maghugas ka ng kamay mo. Kaya hindi pinahihintulutan ng mga Muslims ang anumang panghahamak sa banal na Koran.
Kaya madaling naiintindihan ang dahilan kung bakit nagprotesta ang mga Afghans sa insidente ng panununog ng Koran. Sa katotohanan, noong 2011, sinunog ni Terry Jones, isang Florida Pastor, ng Koran at sinabi niya na ito ay paglilitis sa Koran. Ang insidenteng ito ay nagdulot ng malaking demonstrasyon sa Afghansitan na nauwi sa pagkamatay ng halos 15 katao.
Bakit masidhi ang demonstrasyon ng mga Afghans sa pagsusunog ng mga Amerikano ng Koran? Liban sa nasabing masamang aksyon na napaghamak sa Koran. Sa kabilang dako, sapul nang pumasok ang mga tropang Amerikano sa Afghanistan, kahit natapos nila ang paghahari ng rehimen ng Taliban, at magtagumpay ang aksyon kontra-terorismo, hindi naging mabuti ang pamumuhay ng mga Afghans. Halimbawa, ang tinayang edad ng mga Afghans ay 45 taon, ang death rate ng mga bagong silang na sanggol ay ika-2 sa pinakamataas sa buong mundo, at ang literacy rate ng kababaihan ay 12% lamang.
Bukod dito, magulo pa rin ang kalagayan ng Afghanistan. Nananatiling kumikilos ang Taliban at hindi maaring isagawa ng Pamalahaan ng Afghanistan ang mabisang pangangasiwa sa bansa, lalo na sa dakong timog. Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 1000 kawal ng tropang Amerikano ang nasawi sa Afghanistan.
Mga Afghan Soldier
Tulad ng Afghanistan, ang kalagayan ng Iraq ay hindi gumanda pagkatapos ng paghahari ni Saddam Hussein. Madalas na naganap ang mga pag-aatake na nakatuon sa tropang Amerikano sa lokalidad. Sa katotohanan, noong unang pumasok ang tropang Amerikano sa nasabing dalawang bansa, mainit silang tinanggap ng mga mamamayang lokal. Umaasa ang mga mamamayang lokal na magiging maganda ang kanilang pamumuhay sa ilalim ng pagtulong ng E.U. Ito rin ang itinuring na tagumpay ng E.U. sa paglaban sa terorismo.
Pinatutunayan ng mga kaganapan sa Iraq at Afghanistan na ang pagbibigay-dagok sa mga terorista ay hindi mahirap para sa E.U., ang mas malaking hamon ay pagbibigay-tulong sa pagiging maganda ng pamumuhay ng mga mamamayang lokal.
Kahit ang E.U. ang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig at mayroong pinakamalakas na puwersang militar na di mapapantayan ng kalaban. Pero, ang pagkakaiba sa pagitan ng iba't ibang kultura, relihiyon, kaayusang panlipunan at sistemang pulitikal ay mas malaking hamon para sa pagpapalaganap ng sarling ideya at sistemang demokratiko ng E.U. sa buong daigdig.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |