|
||||||||
|
||
Natapos na ang halalang pampanguluhan sa Rusya sa taong 2012. Kahit may 5 kandidato sa pagkapangulo sa halanag ito, mukhang hindi maaaring nagdulot ng malaking hamon para kay Vladimir Putin, kasalukuyang Punong Ministro ng Rusya, ang ibang 4 na kandidato.
Kung magiging Pangulo muli si Putin, siya ang mamumuno sa bansa, sa di-kukulangin 18 taon, kasinhaba ng panahon ng paghahari ni Leonid Brezhnev, dating lider ng Union Soviet mula 1964 hanggang 1982. Kung magtatagumpay si Putin sa halalan sa taong 2018, siya ang mamumuno sa bansang ito nang 24 na taon. Kung ganoon, ang panahon ng paghahari ni Putin sa Rusya ay ika-2 pinakamahaba sapul nang itatag ang dating Union Soviet, na sumusunod lamang kay Joseph Stalin, dating lider ng Union Soviet mula 1922 hanggang 1953.
Sa kasalukuyan, ang tagpong ito ay bihirang nakikita sa mga kanluraning demokratikong bansa. Liban sa Hilagang Korea at Cuba, sa ibang mga sosyalistang bansa na gaya ng Tsina at Biyetnam, ang termino ng liderato ay hindi lumalampas sa 10 taon.
Pero, ang nasabing tagpo sa Rusya ay hindi lumalabag sa konstitusyon ng bansang ito, at ang paghalal ng pangulo ay sa pamamagitan ng pagboto ng mga mamamayan. Walang anumang katunayan ang nagpapakita na maaring kontrolin ni Putin o ibang puwersa ang halalang pampanguluhan, o hirangin ng kasalukuyang pangulo ang kanyang tagapagmana, na parang mga hari ng mga pyudalistang bansa noong unang panahon.
Sa kabilang dako, kahit lumitaw ang mga puna sa gawain ng pamahalaan ng Rusya, na gaya ng korupsyon, burukrasya, paglaki ng agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, at kakulangan sa pondo sa edukasyon at kalusugan, kumpara sa ibang 4 na kandidato, napatunayan naman ni Putin ang kanyang kakayahan sa pamumuno ng bansa. At mayroon siyang sapat na karanasan sa paglutas ng mga isyung panloob at panlabas ng bansa.
Para sa halos lahat ng mga mamamayang Ruso, gusto rin nila ang isang matatag at mapayapang kalagayang panloob, dahil ang magulong kalagayan noong ika-9 na dekada ng nagdaang siglo ay nag-iwan ng malalimang impresyon sa kanila. Ang kanilang pamumuhay ay naging mas mabuti sa ilalim ng pamumuno ni Putin. Kaya, naniniwala ang mas maraming mamamayang Ruso sa kakayahan ni Putin.
Masasabing ang unang bagay sa isipan ng mga mamamayan ay lebel ng kanilang pamumuhay, lehitimong karapatan at kapakanan, sa halip na demokratikong sistema sa pambansang antas.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |